Kabanata 13

90 14 2
                                    

KABANATA 13



Nagising akong 'di maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Ngayong araw ishoshoot ang teaser para sa music video ko.



And we have a date today!



Sabi niya sa akin ay dadalhin niya raw ako sa isang lugar na napaka-espesyal para sa kaniya. Ipapakilala niya raw ako sa isang taong napaka-importante sa kaniya at d'on din daw kami kakain. Susunduin niya rin ako ngayon kaya mas lalo akong na-excite.



Hindi naman kasi ako sinusundo ni Hiro before and my past flings or dating manliligaw, ewan, masungit at ilag kasi ako sa kanila. Hindi ko lang alam kung ano ang ginawa ni Levi sa akin at gan'to ako pagdating sa kaniya.



Saktong oagkatapos ko kumain ay nagtext sa akin si Levi na nasa baba na raw siya.



Pagbaba ko ay nagulat ako sa hitsura ni Levi. Para siyang kpop idol. 'Di dahil sa mayroon siyang mask at sunglasses, he's wearing a thick jacket, and naka pants. May cap pa nga. Para siyang kpop idol na sikat na sikat at natatakot dumugin ng fans.



"What's with the outfit?" Natatawa kong tanong nang makalapit sa kaniya. Kinuha niya ang backpack na dala ko at ipinasok iyon sa trunk ng kotse. Bahagya siyang lumapit sa tainga ko at may ibinulong.



"I'm too handsome. Baka dumugin tayo babe," napairap ako. Ang hangin pala ng isang Levi, huh?



"Kapal mukha. Pangit ka naman. Tara na," sinimangutan niya lang ako nang sabihin ko ang salitang "pangit". Nyenye, oo na, gwapo naman talaga siya. Baka malagyan lang ng hangin 'yong utak kapag inamin kong gwapo nga siya.



Pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger's seat and he just gave me a small smile. May pagka-gentleman siya huh?



Tahimik ang naging biyahe dahil nagrereview ako habang nasa sasakyan. Wala naman akong exam, advance reading lang dahil hindi naman ako gan'on katalino. Isa pa, kailangan kong maghabol ng lessons.



Dahil hindi traffic, nakarating rin kami kaagad sa kumpanya. He continued his gentleman acts. Pinagbuksan ako ng pinto, at 'di ako hinahayaang mahuli sa paglalakad. Ang mga staff ay nakatingin sa amin, nagtataka kung ano ang mayr'on sa aming dalawa.



"Sila kaya?" Rinig kong tanong ng receptionist sa kasama niya. Napahinto ako at nilingon ang direksyon nila. Umayos kaagad sila nang pagkakatayo kaya nginitian ko sila. Pakiramdam ko, kilala ako nito.



"Sino ba siya? Lagi kong nakikita 'yan dito pero hindi ko alam kung bakit siya nandito." Dama ko ang pagkairita sa boses ng babaeng iyon. Nasa elevator na kami at may dalawang babaeng nagbubulungan sa harap ko. Mahina ang boses nila pero naririnig ko pa rin. Hindi ko na lang pinapansin.



Marami pa rin palang hindi nakakakilala kung sino ako. I'm keeping a low profile. Hangga't maaari, ayokong may makaalam kung sino ako sa kumpanyang ito.



Magkasabay kaming pumasok sa loob ng studio at halos lahat sila ay nakatitig sa pagpasok naming dalawa. Nakahawak si Levi sa baywang ko at nang bumaba d'on ang tingin ng mga staff ay mas hinapit niya ako palapit sa kaniya. Wow, ang alam ko nanliligaw pa lang ah?



"W-wow...uh..Ivy...? Mask.." putol-putol na saad ni Miss Ai habang palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Levi. Humiwalay ako kay Levi sa paraang kinuha ko ang kamay niya na nakahawak sa baywang ko at marahang pinisil ito bago ito tuluyang bitawan.



Dumiretso ako sa make-up room at inalis ang make-up sa mukha ko. Wala ang nag-aayos sa akin kaya ako na lang ang nag-asikaso sa sarili ko.



Voice of Fate  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon