KABANATA 3
Nakatulala akong naglalakad palabas ng club. I'm damn pissed! Pissed and nervous at the same time.
Ayos lang naman kami ni Hiro n'ong nakaraang araw ta's ngayon napaka-sungit niya. Aba, kagabi pa siya nambubwisit ha!
Nakita ko si Izannah sa waiting shed nakaupo, habang nagbabasa na naman ng libro. Really a nerdy, but you know, in a positive way.
Tinapik ko siya sa balikat nang hindi niya maramdaman ang presensya ko. Medyo nagulat siya dahil pokus na pokus siya sa pagbabasa. I smiled weakly at hinatak siya patayo.
"Oh? Sino umaway sa 'yo? Anyare?"
"Nagalit si Hiro n'ong sinabi kong ayaw kong maging judge." I told her everything while waiting for Yviane. Tinext daw niya si Yviane na sunduin kami para sa gagawin namin ngayon. And as expected, inis na inis ang gaga. Izannah is a nerdy and study addict type, pero she's pretty and hot! Hindi siya takot makipag-basagan ng ulo kapag kaibigan na ang usapan.
"Grabe naman si Akihiro! Nakakabanas 'yan ha!" Nagkibit-balikat na lang ako. Mananahimik na sana ako nang may maalala ako.
"Oo nga pala, bakit hindi umattend 'yang tatlo sa meeting? Madadaya 'yan ah."
She laughed, aish. Tawa muna bago kwento gan'on?
"Nag-excuse kay Hiro 'yang mga 'yan for our night out! We know that you're stressed, we're here to help okay? Kaya ngayon, it's time para mag-relax ka muna! 'Wag mo i-pressure sarili mo gaga." Litanya niya sabay kaltok sa akin. Though, she's brutal, Izannah's sweet, actually lahat sila. This isn't the first time na ginawa nila 'to, we did it for Azile before and now they're doing it for me. I'm so lucky to have them as my sisters, not in blood but in our hearts.
I hugged her tight. Sobrang higpit. She hugged me back of course. I expected her to push me away pero hindi niya ginawa. Damn, I really love Iza!
"Oy oy, anong yapakan este yakapan 'yan? Sali kami mga tubol!" Hindi namin napansin ang paghinto ng kotse ni Yviane at niluwa n'on si Yviane—syempre, si Azile at Aeshiea. They are still wearing their school attires.
Sinugod nila kaming dalawa ni Iza at niyakap. Ang kinalabasan, nag-group hug kami. At ang walanghiyang Yviane, hinahatak kami pababa, dahilan para bumagsak kami sa lupa.
"Weak niyo naman!" Pang-aasar niya habang pinagtatawanan kami. Natawa na rin kami dahil sa kagagahan ni Yviane, minsan talaga loko-loko 'to e.
Tumayo 'yong tatlo at hinabol si Yviane. Napailing na lang ako bago ako tumayo. I stared at them and smiled.
They are the best of the best.
——
After the hugging session, dumiretso kami sa bahay ni Yviane. Yviane is 2nd to the richest girl, next to me, among all of us. The rich yet the player, kung may babaero, may lalakero.
Mag-isa lang sa bahay si Yviane. Matagal na simula nang maging independent siya. Pero tinutustusan pa rin ng papa niya ang pangangailangan niya at binibigyan pa rin siya ng pera. At kapag free time, kapag hindi busy, nagbobond kami sa bahay ni Yviane, kumbaga, 'yon ang comfort zone namin.
"Change outfit!" Yviane giggled before entering her own room. Kami naman ay nagsipasok din sa sari-sariling kwarto para magpalit ng damit.
Napili kong magsuot ng pink tennis skirt and white off shoulder top. I also wore a pair of solitaire diamond earrings and a diamond necklace with a heart pendant. For my footwear, I decided to wear my white brautschuhe then a white clutch to complete my style.
BINABASA MO ANG
Voice of Fate (COMPLETED)
RomanceMUSICA SERIES #1 (COMPLETED) Iris Saveah Lagrand, a talented musician hailing from Meridia International University, embodies a unique aura of humility and artistry. Despite her exceptional vocal prowess and guitar skills, she shies away from the li...