Kabanata 6

131 19 1
                                    

KABANATA 6


Mabigat ang pakiramdam ko habang naghihintay sa explanation ni Iza. Nasa sala kami ngayon at binigyan kami ni Levi ng space and time para makapag-usap.



"Why are you here, Izannah Dianne?" I asked coldly. Hindi ko siya tinitingnan dahil halo-halo ang nararamdaman ko.



Knowing our group, mostly Yviane, kapag nakarating sa kan'ya ito, mahahati ang grupo namin. Yviane is really mad sa Blaze, kaya I'm just a lowkey fan dahil for sure magagalit 'yon.



Kung pagiging fan pa lang ng Blaze, magagalit na siya, paano kapag nalaman niyang may kaibigan kami na miyembro n'on?



"I'm a member of Blaze. Ako 'yong bassist na never nilang ni-reveal. I'm a huge fan of Blaze before, until Blake invited me to be their bassist. At first, I hesitated, because of Yviane. Pero naisip ko, can I pursue my dreams first? Kasi panigurado maiintindihan naman ni Yviane eh. Pero.." hindi niya naituloy ang sasabihin niya 'cause she bursted into tears. Iza is a strong girl. Bihira siya umiyak dahil she's used to challenges. After 2 years, this is the first time na iiyak siya ng ganito.



Pero may isa pa akong pinagtataka.



Is Levi their producer?



"Bakit nandito si Levi?"



Umiwas siya ng tingin at pinunasan ang luha niya.



"Producer."



Now I'm kinda satisfied.



"Galit ka ba?" She suddenly asked. Umiling ako. I shouldn't be mad. Wala naman siyang ginawa na ikakagalit ko. Labas ako sa issue na 'to. It's her and Yviane's issue.



"No. Nagulat lang ako." She smiled in relief. Gah! I'm so soft when it comes to my bestfriends. Bakit gan'on Lord?



"Can you please not tell..." she whispered. She can't continue kaya tumango na lang ako.



Tumayo ako upang yakapin siya nang mahigpit.



"No matter what happens, I'm just here, for the both of you. If I were you, I'll tell it to Yviane right away, I know that it isn't easy, pero kapag pinatagal mo, it will lead to a tough misunderstanding. You know Yviane's attitude. You get me?" She nodded. We both sighed and stayed in that position for a moment.



Maya-maya pa ay bumaba si Blake. Napansin kong tumitig siya kay Iza at napansin iyon ni Iza kaya umiwas siya ng tingin. Ano mayr'on?



"Tawag na kayo ni Kai—Levi." Napakamot siya ng ulo at kumaripas ng takbo paakyat. May sasabihin siyang pangalan ah? Ba't hindi natuloy?



"Tara na, hoy, you have a lot of chika to tell about you and our producer ha," tinusok ni Iza ang tagiliran ko gamit ang daliri niya kaya bahagya akong napa-igtad. Tinawanan ko siya at tumango, if nag-open up siya sa akin, I should open up to her also right?



Binuksan ko ang pinto at nakitang tumutugtog sila. Nas'an kaya si Kairron? Waaaa.



"Levi, s'an si Kairron?" Tanong ko. Lahat sila ay natahimik, para bang nagpapakiramdaman.



Tumikhim si Blake at umiling, "He's busy. Kaya wala kaming vocalist, do you mind if we'll invite you to sing for us today?" He asked my permission. I'm nervous, p'ano kapag na-recognize nila ang boses ko?



Sa huli ay pumayag na lang din ako. Ayokong maging KJ at isa pa, pinipilit nila 'ko.



"Ikaw Levi? Duet tayo?" Pag-aya ko. Duh?! Ayoko namang mag-isa lang ako na kakanta. In front of these people na hindi ko gaanong close.



Voice of Fate  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon