KABANATA 26
"Hiro did what?! Iniwan ka niya dito?" Yviane hysterically shouted. Tumango ako bilang sagot. Nagkita kasi kami ngayon ni Yviane dahil magpapasama siya para makapag-shopping. Masyado na raw kasi siyang busy ngayon at wala na siyang oras para mag-libang. Hindi ko nga alam kung bakit ako ang sinama niya, may boyfriend naman siya.
"Bumalik siya ng Japan para sa business nila at para abutin ang pangarap niya na maging Engineer. Ang masakit d'on, hindi na siya babalik dito. I mean, he's staying there for good. Aabutin pa siguro ng ilang taon bago siya makabalik dito." Sumimsim siya sa iniinom niyang milk tea saka tiningnan ako na may halong pagdududa.
"Gusto mo ba si Hiro?"
"What?! No!" Agad kong sagot. Aaminin ko, muntik na 'kong mahulog muli kay Hiro pero pinigilan ko ang sarili ko. Alam kong hindi na kami pwede. Alam kong hanggang magkaibigan lang talaga ang magiging relasyon namin.
"Are you sure?"
"Yeah. It's just that since the day we moved to France, it's like my life depends on him. He's always spoiling me and babysitting me. He's always there to guide me. Sanay ako na si Hiro ang gumagawa n'on. Pero trust me Yv, wala 'kong feelings sa kaniya, okay?" I clarified.
We finished our food then nag-shopping na. Sa totoo lang para kaming mag-jowa eh. Iyong casual dates na ginagawa ng mga mag-jowa sa mall ay ginagawa namin. Nag-karaoke pa kami tapos minura-mura niya ako dahil ang ganda daw ng boses ko. Tumugtog pa nga kami sa mini stage sa arcade. Nag-duet kami saka nasaktuhan ring may instruments kaya maganda ang kinalabasan.
Tinakbuhan pa nga namin ang mga nandoon dahil masyado silang marami. Both of us weren't wearing face masks kaya maraming nakakakilala sa 'min. Iyong iba ay nagtataka kung bakit kami magkasama. Phew, mahirap pala magsama ang dalawang kinikilala sa buong mundo 'no?
"Ayoko na gaga ka! Bakit kasi ayaw mong mag-mask tayo?! Pinaltos yata 'ko sa pagtakbo-takbo natin eh!" Reklamo niya habang hinuhubad ang heels niya saka ipinalit ang kabibili pa lang niya na Nike Air Max 720 SE. Sarap binyagan ng sapatos niya, kaso baka lalong mag-alburoto.
"Malay ko ba. Nakalimutan ko na namang hindi na nga pala 'ko katulad dati na sikat pero hindi ako kilala ng mga tao."
"Miss mo 'yon? O miss mo si Levi?"
Wala sa sarili akong napatango. Narinig ko ang malakas niyang halakhak kaya muli kong inisip ang tanong niya kung may nakakatawa ba d'on. Napailing ako nang marealize na huli na para bawiin ko 'yong sagot na ibinigay ko.
"Hoy, wait no! I mean I missed my life back then, hindi si Lev—Kairron!" Habang tumatawa ay ipinakita niya sa 'kin ang phone niya. Dang! She recorded it!
"Wala kang kawala, Iris Saveah!" Saad niya sabay tawa na parang mangkukulam. Makuha ko lang talaga 'yang cellphone niya.
"K." Tanging sagot ko, kunwaring nagtatampo. Knowing Yviane, hindi siya marunong manuyo. Mataas ang pride niyan. Hindi ko nga alam kung paano natagalan 'yan ng boyfriend niya eh.
"Hey what!? Hindi ko naman ilalabas 'to in public!" Sigaw niya. Binitbit ko ang mga gamit ko saka naglakad patungo sa sasakyan ko. Inilagay ko sa trunk ang mga paperbag na naglalaman ng mga pinamili namin.
"There! Deleted na. Mamansin ka na please! Baka mamaya ibangga mo pa 'yong kotse dahil sa badtrip ka eh!" Natawa 'ko. Hindi ko na mapigilan 'yong pagtawa. Kakaiba rin 'to eh, sa lahat ng nag-please, siya lang 'yong nakita kong nagdedemand pa.
BINABASA MO ANG
Voice of Fate (COMPLETED)
RomanceMUSICA SERIES #1 (COMPLETED) Iris Saveah Lagrand, a talented musician hailing from Meridia International University, embodies a unique aura of humility and artistry. Despite her exceptional vocal prowess and guitar skills, she shies away from the li...