Rhian's POV
Si Glenn ang sumama sa akin ng magpacheck at tuwang tuwa sya kanina habang pinapanuod yung ultrasound ng baby ko at masisinan syang nakikinig sa mga payo ng duktor ko sa akin. Kinuha nya din yung isang kopya ng ultrasound at iki-keep nya daw yun. Napangiti ako dahil sobrang sweet din talaga si Glenn kahit hindi nya anak itong nasa sinapupunan ko ay nag effort pa talaga sya na sya yung sumama sa akin dito. After namin sa obgyne ko ay nilibre nya ko ng pagkain at pinag grocery nya ko ng mga healthy foods.
"Nag iisip ka na ng pangalan para sa baby mo?" tanong nya habang nagdadrive. Ihahatid na nya ko sa apartment ko eh.
"Naglilista lista pa ko eh...Bigla akong naexcite Glenn dahil magkakaroon na ko ng pamilya ulit." masayang saad ko. Napangiti sya at parang nagniningning din sa saya yung mga mata nyang kulay abo sa akin.
Pagkahatid sa akin ni Glenn ay inayos ko yung mga grocery na bigay nya sakin pagkatapos ay nilagay ko sa maliit na picture frame yung ultrasound ng baby ko at dinisplay ko yun sa may salas.
Mayamaya ay may kumakatok sa may pintuan ko at pagbukas ko ay mukha ni Suha na exhausted ang nadatnan ko kaya pinapasok ko sya. Nanghingi sya ng tubig kaya hinila ko sya sa may kusina. Napatawa ako ng lihim dahil mukha syang bata na galing sa playground kung makahingi ng tubig.
Pagkainom nya ay humarap sya sakin.
"Sorry...Hindi ako nakaabot sa check up mo...sina Mommy kase tinambakan ako ng trabaho kahit sinabi ko na sasamahan kita ngayon." saad nya at parang may panghihinayang sa boses nya.
"O-okay lang...Sinamahan naman ako ni Glenn." turan ko at napabuga sya ng hangin.
"Great!" bulong nya ng napaiwas sya ng tingin. Mayamya ay nilahad nya sakin yung kamay nya na kinataas ng kilay ko.
"Asan na yung kopya ko ng ultrasound mo? I want it." saad nya na kinangiwi ko.
"I gave it to Glenn..." alangan kong saad na kinasalubong ng mga kilay nya.
"What?? Why the hell you gave....." napapikit sya at hinilot nya yung balingusan ng ilong nya.
Napatingala sya sa kisame at parang nilalabanan nya yung sarili nya na wag sumabog ng galit sa akin.
Walang gana syang tumingin sa akin na kinalunok ko.
"This will be the last time na ipapamigay mo kung kani kanino ang lahat ng bagay patungkol sa anak natin Rhian...understand?" may diing sabi nya pero hindi ako natakot kundi ay natameme ako sa part ng 'anak natin' thing na sinabi nya. Bigla kaseng nagwala sa malakas na pagtibok ang puso ko dahil doon.
Napatango ako ng wala sa oras. Naglakad sya papuntang salas ko at naupo sa sofa.
Talagang inis na inis sya sa nalaman nya. Napatayo sya ng mahagip ng mga mata nya yung nilagay ko sa picture frame. Kinuha nya yun at sobra ang pagkakatitig nya. Parang may humaplos sa puso ko ng mapangiti sya habang nakatitig doon.
Natahimik ako ng lumapit sya sakin habang dala yung picture frame na yun.
"Ito yung baby?" naaamaze nyang tanong sa akin at bakas sa mga mata nya yung saya. Napakagat ako ng labi ko para pigilan yung ngiti ko dahil ngayon ko lang nakita yung cute side nyang 'to!
Napatango ako sa kanya.
Napangiti sya sakin. Kinuha nya yung phone nya at kinuhanan nya ng picture iyon.
Bigla akong nakonsensya dahil naibigay ko kay Glenn yung dapat ay para sa kanya.
"Papakita ko 'to kina Mommy..." masayang saad nya bago tumalikod sa akin at muling bumalik sa salas.
BINABASA MO ANG
Second Color of the Seven (GirlxGirl)
Любовные романыLesbian Love Story Santillan Series