Rhian's POV
Napamulat ako ng magvibrate yung phone ko kaya kinapa ko iyon sa side table. Pagkatingin ko sa nagtext, si Glenn.
'Goodmorning Puffy😁 Kapag gusto mong magpasundo just call me😉 Alam ko namang baog si Orange🤣 Take care always😘'
Text nya na kinangiti ko. Napakapang asar talaga.
'Goodmorning too Glenn😄 Bihis na at late ka na naman sa meeting at yung log system ni Mommy mo bisitahin mo😉'
Binaba ko ulit yung phone ko sa side table at nag inat saka ko lang namalayan na wala na kong katabi at nilinga ko yung paningin ko sa buong kwarto. Wala na si Suha.
Napatingin ako sa kamay ko na hinawakan ni Suha buong gabi at kalaunan napatingin ako sa may bandang sinapupunan ko.
Anak,hope we become a happy family.
Kausap ko sa anak ko.
Mayamaya ay bumukas yung pintuan at niluwa noon si Suha na may dalang tray na may dalawang tasa sa ibabaw nito. Napangiti sya ng dumako ang paningin nya sakin at ewan nadala ako doon kaya napangiti ako pabalik sa kanya. Yung mga mata talaga ng mga Santillan ang gaganda lalo na kapag ngumingiti. Parang akala mo napakapilya nito at naglilinya na lang.
"Goodmorning..." masayang bati nya at sinabi nya na magbreakfast kami sa may balcony dahil may naihanda na sya doon.
Nang makaupo kami ng magkaharapan sa harap ng round table ay napatingin ako kay Suha habang inaayos nya yung pagkain sa plato ko.
Ang ganda nya habang natatamaan sya ng sinag ng araw. Kahit hindi pa nya nasusuklay ang mahaba nyang buhok mula sa pagkakatulog ay mukha pa ding dyosa. Grabe ang kinis ng mukha nya ni wala man lang kahit na anong butlig o ano sa mga pisngi nya. Tama lang din yung tangos ng ilong nya. This spanish looks ng mga Santillan ang nagpa-stand out sa ganda nila.
Napalunok ako ng dumako yung mga mata ko sa labi nya partikular sa lower lip nya. That's not perfect red color pero kapag ganitong parang ang moist. Arggghh! feeling ko inaakit ako nito na tawirin ang round table sa pagitan namin at tikman ang labi nya.
'Maharot na buntis!' kutya ng isip ko. Asawa ko sya remember?
"Sa ganyang tinginan mo sakin, feeling ko may pag asang sasagutin mo ko..." may pilyang ngiti sa mga labi nya pero ang mga mata nya ay nagniningning sa saya.
Napanguso ako at nag iwas ng tingin. Nakakadala talaga yang mga mata nyang yan kapag ganitong naglilinya tuwing ngumingiti sya.
"Choosy ako noh." sabi ko at napatawa sya.
Inilagay nya sa harap ko ang isang basong gatas at pagkain na niluto nya sa plato ko.
"Breakfast date with me Mrs. Santillan is the best way to start the day." kindat nya sakin kaya napangiti ako.
"Okay...let see?" sabi ko bago ko tinikman yung niluto nya para sa amin.
Hindi ako pumayag na ako lang yung pinagsisilbihan nya dahil sanay din ako na pagsilbihan yung mga taong kasama ko. Kaya ang ginawa ko ay inayos din yung pagkain sa plato nya.