38

4.1K 244 29
                                    

Aya's POV

Five years ago ng malaman ko yung tungkol sa kanya at yung nararamdaman nya para sa anak ko. Hindi ko alam bakit gumaan yung pakiramdam ko sa kanya after that.

Sira yung elevator na ginagamit namin kaya nagtungo ako sa kabilang elevator at sakto solo ko ito. Pumwesto ako sa may sulok para kapag may gustong makisabay ay may hint sila na okay lang sa akin. Habang binabasa ko yung message ng asawa ko sa akin ay may pumasok na dalawang babae pagtapat sa 9th floor. Hindi nila ko napansin dahil busy sila sa kwentuhan at marahil hindi rin nila ko nakilala dahil nakatungo ako sa cellphone ko.

"Wag mong sabihin sa akin na si Orange yung long time crush mo dahil masasampal kita." mahinang saad nung isa kaya napatingin ako sa kanila. Yung isa ay secretary ng mga Ricafort at yung isa naman ay secretary ni Shannon.

"Crush lang naman Aeriel! Napaka ano ng reaksyon! Saka hindi nga ako napapansin nun eh...swerte mo nga nakakausap mo yun." sabi nitong isa at naalala ko yung nickname nya kapag tinatawag sya ni Glenn. Puffy. Napangiti ako sa narinig ko at napasandal ako habang tahimik na nakikinig sa kanila. Akalain mo yun may nagkakagusto pa pala sa supladang anak ko.

"Swerte ba yung hindi ka pinapakinggan kapag meeting? Saka alam mo yung ginawa nun sa isang planta nila sa Batangas? Nagskate board lang naman sa pathway ng production ang lintik! Utas bes! Ayaw nyang magwork dito yun ang nararamdaman ko dahil hindi sya kasing sigasig ng amo ko o ng amo mo." sabi nung Aeriel at parang kinikilig si Puffy sa kalokohan ng anak ko kaya umangat yung sulok ng labi ko.

"Baka iba yung gusto nya sa buhay nya. May ganun naman, tingnan mo si Carol ni tumuntong nga ng isang buwan sa kumpanya nila hindi magawa." sabi ni Puffy. She never judge a person according to what everyone sees. Malawak ang pang unawa nya.

"You sounds like a girlfriend wannabe ni Orange....naku Puffy huh! Baka kaya hindi ka nakikipag date kase ginagawa mong standard si Orange." at napaigtad si Aeriel ng sambitin nya ito dahil kinurot sya ni Puffy sa tagliran.

"Bunganga naman Aeriel! Saka asa! Ang yaman kaya nun...dun palang bagsak na ko. Kung mahirap lang si Orange baka ako pa nang akit dun! Walley! Ang yaman bes...Kaya nganga!" natatawang saad nya at inakbayan nya yung kaibigan nya. Bumaba silang magkaibigan sa second floor at talagang hindi nila ko napansin dahil sobra ang kwentuhan nilang dalawa.

That time....naalala ko si Max sa kanya. Dahil yan din yung paniniwala ng asawa ko dati. Once na mayamang tao yung nagustuhan mo at mahirap ka lang eh hanggang pangarap na lang iyon.

Simula ng araw na yun ay naintriga na ko sa kanya. Kapag nga hindi pa nagstart yung meeting ay nagtatanong tanong ako sa kanya ng mga patungkol sa kanya. Natutuwa ako sa kanya dahil parang nalulunod syang kausap ako. Kinutuban ako na sobra ang paghanga nya sa anak ko at mabuti din syang tao. Ayoko naman talagang pakialaman si Orange sa part na 'to pero hindi ko mapigilan dahil napaka ng batang yun!

Nakakahiya man ay pinaimbestigahan ko sya.
Lalo nya kong napabilib! Matalino syang bata. Suma cum laude mula noong high school at maging noong nagtapos sya ng kolehiyo. Nasaktan ako ng malaman kong wala na syang pamilya at ang mga Ricafort ang tumutulong sa kanya at nagsisilbing pamilya nya. Kung sa ibang tao marahil ang nasa posisyon nya ay napakayaman na ng batang 'to dahil bukod sa secretary ay consultant din sya ng mga Ricafort pero hindi nya inabuso ang mga 'to.

Natigilan ako sa pagbubuhay ng makina ng sasakyan dahil nakita ko syang sumusugod sa ulan papunta sa isang waiting shed sa harap ng Santillan Empire.

"You know what I like her for Orange.." sabi ko sa asawa ko.

"Mabait na bata yang si Rhian---teka...hindi ka naman gagawa ng kalokohan noh?" at napalingon ako kay Max at natatawa ako sa paratang nya. Kita mo 'to.

Second Color of the Seven (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon