Aya's POV
"Where's Orange?" hanap ni Cyrll bago magsimula yung meeting namin. Either Andrea, Cielo o si Orange lang kase ang pinagkakausap nina Cyrll dito sa Santillan Empire regarding sa mga projects na mga bagong produkto na binubuo namin kasama sila.
"Nagresign na sya." sagot ko at napatingin sya sakin maging yung ibang investors. "Kasama nya ngayon si Puffy na magbakasyon kasama ang mga kaibigan nya sa Subic." dugtong ko pa.
Napangiti si Cyrll sa huling sinabi ko na kinataka ng mga kasama namin dito sa loob ng conference room.
"Nakinig din sakin si Orange na magresign na at mag explore para makilala nya ang sarili nya at alam ko balang araw magiging mahusay si Orange sa mga bagay na gusto nya. Puffy is a great help to her regarding that. Humusay ang dalawang magkapatid na Ricafort dahil sa kanya. Maswerte po kayo sa naging manugang nyo." nakangiting sabi ni Cyrll na kinangiti ko.
"Dati ko pa gusto si Puffy para sa anak ko Cy. Alam mo yan." sabi ko.
"Kung may maitutulong ako sa mag asawa na iyon pakisabi po sa kanila na wag mahihiyang lumapit sa akin.Hindi na po ibang tao sina Orange sa akin." turan ni Cyrll na kinangiti ko.
"Parang ang swerte ng apo ko sa mga Ninang nya." biro ko kay Cyrll na kinangiti nya.
Malaki ang tiwala ko sa anak ko na this time magiging maayos na sya dahil susubukan na nyang tumayo sa sarili nyang mga paa para buhayin ang pangarap nya dati pa na hindi nya masabi sabi sa amin ng Mommy nya. Alam kong lahat ng achievements nya sa design na tinatago tago nya. At sobrang proud naming mag asawa sa kanya at the same time nakakalungkot dahil hindi nya ito masabi sa amin sa takot na baka hindi ko magustuhan at sa hiya dahil sa dami ng failure na naibigay nya sa amin pero wala naman kaming pakialam doon dahil ang mahalaga sa amin ay buo kaming pamilya.
At sobrang natutuwa din ako sa kanya dahil nahahandle nya ng maayos ang responsibilidad nya sa sarili nyang pamilya. She really care for Puffy a lot especially with their baby. Never kong nakita ang anak ko na ganun kasaya kapag kasama nya si Rhian. Natutuwa din ako kapag nadadatnan ko syang kausap yung Mommy nya at nagtatanong regarding kung paano mag alaga ng buntis at kung anong dapat ipakain dito. Hindi nya namamalayan na nagiging responsable na sya sa pasimpleng gesture nya sa asawa nya.
Heto lang naman yung hinihintay namin sa kanya ang sumubok sya at magdesisyon sa sarili nya na hindi nya iniintindi ang sasabihin ng ibang tao sa kanya.
After meeting namin sabay kami ni Cyrll na naglakad palabas ng meeting room ng mahagip ng mga mata ko si Glenn at mariin ang pagkakahawak ng kanang kamay nya sa braso ni Johara. Nag aaway ba sila?
"Glenn." malamig na tawag ni Cyrll sa kanya na kinahinto nilang dalawa kalaunan ay napabitaw na si Glenn sa braso ni Johara.
Lumapit kami ni Cyrll sa dalawa.
"Anong nangyayare? Nag aaway ba kayo?" tanong ko at napatingin ako partikular kay Johara.
"H-hindi po Tita----" sagot bale ni Johara
"Yes we are." buong sagot ni Glenn. Hindi palaaway na tao itong si Glenn sa pagkakakilala ko sa kanya. Mabiro itong batang 'to eh.
Hinarap ko si Glenn.
"Anong pinag awayan nyo? Hindi dapat kayo nag aaway gayong mag sasama kayo sa bagong project natin." pangaral ko sa kanilang dalawa. Dahil mahirap kumilos sa trabaho ng may kairingan ka.
"Glenn never throw tantrums with someone unless...." walang emosyon na saad ni Cyrll at napatingin sya kay Johara na parang naalarma pero pumustura sya afterward. May ginawa sya. "you trigger Glenn to be mad on something." dugtong ni Cyrll.