Rhian's POV
Mabait naman itong si Suha dahil pina-share nya ko sa kama nya . Yun lang Madami syang tanong sakin na kung anu ano at ng tanungin ko sya ng bakit gusto nyang malaman, para naman daw hindi kami estranghero sa isa't isa.
Nakahiga na kami sa kama nya at nakadapa syang nakatingin sa akin na para bang sinusuri nyang lahat ng sinasabi ko.
"Si Glenn bakit hindi mo sya bigyan ng chance?" tanong nya at napasandal ako sa headboard ng kama nya.
"Uhmm...wala talaga akong maramdaman na spark kapag kasama sya. Talagang kaibigan lang yung kaya kong ibigay sa kanya." sagot ko at napatango tango sya.
"Medyo mahirap kaseng magmahal ng pilit." saad ni Suha at napasang ayon ako.
"Suha nagugutom ako..." sabi ko dahil parang nagke-crave ako sa ice cream.
Napabangon sya.
"Anong gusto mong kainin?" tanong nya ng mapa indian seat sya sa ibabaw ng kama at parang batang nakatingin sa akin.
"Ice cream." sabi ko.
"Okay..." patayo na sya ng pigilan ko sya.
"Hindi galing sa ref nyo!" saad ko na kinataas ng kilay nya.
"Saang ref naman aber manggagaling?" takang tanong nya.
"Sa ref ng 7 eleven!" sabi ko at bumangon. "Tara!" yaya ko pa.
Nagtungo sya sa walk in closet nya at inabutan nya ko ng jacket.
"Is this correct? Ang igala ang buntis ng gabi?" nagtatakang tanong nya na kinakibit ko ng balikat. Hindi ko alam eh.
"Magtatanong ako kina Mommy bukas..." saad nya bago kinuha yung wallet at susi ng kotse nya.
Napataas ang kilay ko ng pagbuksan nya ko ng pintuan ng kotse nya sa harap.
Pagkasakay nya ay inistart na nya yung makina pero may inalma ako.
"Buksan mo yung bintana...nakukulob yung amoy mo ang baho!" reklamo ko at doon sya napapikit ng mariin ay kulang na lang ay iumpog nya yung ulo nya sa manibela ng kotse nya.
"Rhian naman!" mahina at puno ng pagtitimping saad nya. "Ang init!" reklamo nya.
"Bakit ka pa pumirma ng wish list ko?" naiinis na saad ko. Napaiwas sya ng tingin at talagang ang sama sama ng timpla ng mukha nya.
Pagdating namin sa 7eleven ay agad syang bumaba at hindi man lang ako pinagbuksan ng pintuan ng sasakyan nya. Hudas! Wala talaga sa pagkahinog ang ugali ng Suha na 'to!
Pagkababa ko ay naglock yung kotse nya.
Pagpasok ko ng convinient store, ang lintik na Suha ay nakatutok sa mismong aircon at init na init. Pakaarte! kala mo ang layo ng biyahe namin!
Pumili ako ng 1liter icecream na rocky road flavor, isang mogu mogu at isang malaking potato chips. Pagdating ko sa counter ay sya yung nagbayad. Humingi ako ng dissposable na kutsara.
Sa labas kami pumwesto ni Suha. Habang kumakain kami ay panay ang reklamo nya sa init ng panahon.
"Kaya ang putla mo dahil lagi kang nakababad sa aircon..." saad ko at inabutan ko sya ng tissue saka sya nagpunas ng labi nya.
Mayamaya ay nagring yung phone ko.
Si Glenn.
Napatingin ako kay Suha pero tinaasan lang nya ko ng kilay habang kumakain ng potato chips.
"Nasan ka?" tanong nya at napatingin ako sa relo ko. 10pm ng pasado.
"Ikaw nasan ka?" tanong ko at alam ko nasa apartment ko sya ngayon.