Orange's POV
Yvie is kinda shocked as well as Andrea. Sino bang hindi?
Kung sinoman yung gagong nagset up kay Rhian para ilagay sa kanya yung preserved embryos ko ng walang permiso nya at permiso ko ay gagarotehin ko talaga ng maigi! Hindi ko din naman ginusto na mangyare ito kay Rhian eh! Nagagalit ako sa gumawa nito at hindi ko mapigilan din na pati sya ay madamay. Ewan. Dahil siguro hindi ko mahal yung taong pinaglagyan sa anak ko kaya ganito ang nararamdaman ng sistema ko!
"Uhmm...Please pakiingatan na lang si Puffy. Sobrang favorite kase nina Carol yun para hindi kayo magkaproblema. Saka Orange...Ikakasal din naman kayo ulit...Bakit hindi mo i-try na buksan yung puso mo kay Puffy." suwestyon ni Yvie. Napangiwi ako at hindi ko alam kung kaya ko. Ang tagal na pala nyang nagpupunta dito sa Santillan pero never ko syang naalala o narecognize eh mahalin ko pa!
"Oo nga...Magkakaanak na kayo at isa na kayong pamilya bakit hindi mo subukan na mahalin sya. Saka sobrang labo na maging kayo ni Carol dahil nagkaroon na 'to ng pag asa sa babaeng kinahuhumalingan nya sa Australia." sabi ng pinsan ko at lihim akong nasaktan dahil doon. Never talaga syang nagkagusto sa akin.
Hindi ako kumibo. Wala naman kaming gusto sa isa't isa ni Rhian talagang maloko lang sya para makuha yung atensyon ko sa bar noong una ko syang nakita. Unfair iyon sa mga part namin. Pwede naman na maging kaibigan na lang kami para sa bata. At kung may magustuhan sya along the run na mag asawa kami ay papakawalan ko sya para maging masaya sya. Talagang gusto ko lang maipanatag ang isip ng mga magulang ko bago ko sya pakawalan. At ipakita sa kanila na hindi talaga kami magwowork out na dalawa.
Mayamaya ay may kumatok sa may pintuan. Si Leo, dating secretary ni Shann tapos kinuha sya ni Andy. Lagi silang nag iikutan ng mga secretary at yung Rhian lang ang hindi nila mahiram kaya siguro hindi ko din sya nakilala dati.
"Magstart na daw po yung meeting..dumating na po sina Ma'am Cyrll at Ma'am Gale." saad ni Leo
"Thanks Leo...papunta na kami." nakangiting sabi ng pinsan ko.
Habang naglalakad kami sa pasilyo ay nakasalubong namin si Cyrll at Rhian habang nakasunod sa kanila si Glenn na nagtetext sa phone. Recently ewan bakit nakakaramdam ako ng inis sa taong yan eh never naman kaming nag usap. Para kaseng ayaw nya sakin para sa kapatid nya at hindi nya ko matapunan ng tingin o ano.
"Puffy tumataba ka? Para ka ng mushroom..." pang aasar ni Cy sa katabi nya. At walang pakundangan na hinila nya yung tenga nito at tawang tawa si Cy habang pigil nya yung kamay ni Rhian.
"Lintik! Kung hindi si Gale eh ikaw yung magiting na mapanira ng araw ko! Please! Hindi pwedeng ikaw yung mapaglihan ko!" mahinang saad nito na parang tinatantya nya baka may makarinig sa kanila dahil mukhang hindi pa nila kami napapansin dahil si Cyrll ay nag iingay pa at hindi ito ganito kapag may nakatingin sa kanya
"A-Aray! Puffy!" natatawang naiiyak na saad ni Cyrll habang yakap na nya ito mula sa tagliran.
"Cy!" tawag ni Yvie at napaayos sila ng tayo at pati si Glenn ay napatingin sa gawi namin.
Mayamaya ay may umakbay mula sa likod ni Rhian. Si Gale na parang bata.
"Puffy dali yung napag usapan natin...napakasarap kong humalik!" ngumuso sya kay Rhian na kinalaki ng mga mata ko. Gago 'to papahalik talaga sya kay Gale?
Napahinga ako ng pitikin nya sa nguso si Gale!
"Please! Wag muna kayong mag abnormal na dalawa! Wala ako sa mood!" tinulak nya si Gale at nagpatiunang pumasok sa conference room.
Sumunod sa kanya si Glenn pumasok sa loob.Wala ako sa mood buong meeting. Iniisip ko kase yung magiging anak ko. Kung paanong set up yung gagawin namin ni Rhian ng walang ilangan kapag pinapalaki na namin yung bata.