Rhian's POV
Bakit pinakasalan ko yung babaero na 'to?
Parang ang saya pa nya sa loob ng tatlong taon na yun na wala ako at nagawa pa nyang magliwaliw sa iba't ibang babae! Magdivorce na lang kami para magawa na nyang lahat ng gusto nya. Pagkatao ko naman yung sinasagasaan nya sa kawalanghiyaan nyang 'to. Nakakagigil!Hindi na nahiya sa mga magulang ko. Kahit sana wala na sina Tatay eh magtino sya. Napaka-non sense ng mga palusot nya sa mga picture na yun. Pati yung paliwanag nya bakit tumigil sya sa paghahanap sa akin noon napakawalang kwenta!
"Multuhin ka sana ng mga magulang ko..." mahaninang anas ko sa kanya habang magkatabi kami at sinabihan nya ko na huwag syang aawayin sa harap ng anak namin.
Napatawa syang lumingon sa akin.
"Hindi totoo yung nasa picture noh. Tanong mo pa kay Giesel." akala mo hudas syang nakangiti sa akin.
"Giesel? Halos nagpapantay nga yung pagiging sinungaling nyong dalawa at sa kanya mo pa ko ituturo na magtanong." walang ganang sagot ko at sinusundan ko ng tanaw yung anak ko na naglalaro kasama yung asong alaga nila. Gusto kong pamagain sa sampingil itong pagmumukha nya sa totoo lang.
"Hanggang ngayon napakaselosa mo pa din...Ikaw lang naman ang sinasamba ko eh!" nang uutong saad nya at nung umakbay sya sa akin ay siniko ko sya sa tagliran nya na kinasamid nya sa sakit.
"Lubayan mo nga ako Orange! Hindi kamo ako natutuwa sa mga kalokohan mo. Magdivorce na ng matapos na itong paghihirap mo at magliwaliw ka na sa mga babae mo. Pati girlfriend ni Nube? Umisod ka nga ng upo doon!" nakakahighblood sya sa totoo lang. Tawang tawa sya at ayaw nyang alisin yung pagkakaakbay nya sa akin.
"Hindi pa ko patay sa lagay na yan Orange at nambabae ka na agad! Hindi ka man lang nahiya sa mga magulang ko! pasalamat ka at wala akong maalala dahil kung mayroon at ganito ang ginawa mo ilalayo ko si Jaune sayo." kairita sya sa totoo lang.
Wala! Ang hudas na 'to hindi man lang iniintindi yung mga pinagsasabi ko ngayon.
"Sige ganito Mrs. Santillan...papayag ako sa divorce na trip mong yan sa isang kondisyon..." nakangising alok nya na kinataas ko ng kilay.
"Uuwi ka sa bahay natin. Aalagaan mo si Jaune kasama ako sa loob ng isang buwan then magdecide ka kung ibig mo talagang makipagdivorce sa akin. Simple as that." mayabang nyang saad na lalong kinanoot ng noo ko.
"Bakit puro pabor sayo? Ayoko nga kitang makasama eh!" naiinis na sagot ko.
"Aba! Sa tingin mo kakayanin ni Jaune na halinhinan natin syang hihiramin para makasama? Pagbigyan mo naman yung anak mo na buo tayo kahit isang buwan lang...Ano? Para kay Jaune." alok nya at seryoso na syang nakatingin sa akin.
Ang lakas makakonsensya ng lintik samantalang sya yung nagloloko sa aming dalawa.
"Okay...in one condition. Hindi mo ko pakikielaman sa lahat ng bagay na gagawin at ginagawa ko. Para sa kapakanan ni Jaune." sabi ko at napangiti sya bago tumango.
"Bukas sa amin ka na titira." sabi nya na akala mo nagwagi na sya.
"Si Jaune sa akin sya tatabi." sabi ko at napaikot sa ere yung mga mata nya. Pakaarte!
Buong maghapon na iyon ay si Jaune lang yung kinakausap ko kahit napakapapansin ni Orange. Yung mga magulang nya hinayaan kami na magbonding kaming mag anak.
Habang kumakain si Jaune ay tahimik din si Orange na pinapanuod ito.
"Nag away kayo ni Klea noh?" tanong ko at napalingon sya sa akin. Parang nawawalan na nga ako ng paki sa totoo lang dahil sa pinaggagawa nila sa akin sa loob ng tatlong taon. Kaya hindi ko din magawang dalawin si Klea sa hospital at ilang beses tumatawag din sa akin si Johara which is unusual. Basta ayoko na muna silang makausap. Ayoko ng gulo.