Rhian's POV
"Ayos ka lang?" natatarantang dalo sa akin ni Suha at parang kinalibutan ako ng lumapat yung palad nya sa likuran ko kaya sa gulat ko tinulak ko sya. Nakakainis tinaasan nya ko ng kilay. Recently naiinis ako sa sarili ko dahil gandang ganda ako sa mga mata ng hinayupak na 'to!
Ilang araw kaming hindi nagkikibuan dahil sa kaartehan nya. Sobrang nakakainis yung kaartehan ng Santillan na 'to sa totoo lang!
"Isusumbong kita kay Dada..." bulong nya at doon naningkit ang mga mata ko.
"Bakit ikaw ang may ganang magsumbong?" hay naku! Anak sana hindi kasing tigas ng bunbunan ng Dada mo ang mamana mo!
Mayamaya ay nakangisi syang humakbang papalapit sa akin at pinagpantay nya yung mukha namin.
"Sa akala mo ba hindi ko napapansin Mrs. Santillan na iniiwasan mo ko at sobrang lakas ng pangdededma mo sa akin?" napahakbang ako at naramdaman ko na lang yung malamig na tiles ng lababo sa likod na bahagi ng mga braso at siko ko dahil isang dangkal na lang halos yung layo ng mukha nya sa mukha ko. Puso wag kang maharot paasa yang Suhang hilaw na yan!
"Artista ba ideal mo?" masungit na tanong nya kaya nagsalubong ulit ang mga kilay ko bago ko sya tinaasan ng kilay hindi ako pwedeng malunod sa emosyon na nararamdaman ko!
"Congresswoman gusto ko Suha! Yung maraming project na overpass at tulay! Minsan madaming pascholar!" sarcastic na sabi ko. Napakasama nya sa kapitbahay naming artista eh kaibigan naman nya yung tao!
Napaatras sya na parang hindi makapaniwala sa sagot ko.
"Tulay ba gusto mo?" tanong nya at seryoso ang mukha nya kaya napatawa ako. Napaayos sya ng tayo at napakamot ng gilid ng kilay nya.
Abno?
Sobrang mapagpatol sa joke?
Mayamaya ay napairap sya sakin.
"Dito mamalagi sina Dada ng tatlong araw kase wala silang tiwala na naibibigay ko sayo lahat ng gusto mong kainin." walang emosyon na saad nya na kinahinto ko sa pagtawa.
"Masasampal kita wag kang magbiro ng ganyan." makapanira lang talaga ng mood itong babae na 'to!
"Kahit baliin mo pa ang leeg ko noh sana joke lang yung tinawag nina Dada sakin kanina." sabi nya.
At doon na ako nanlambot! Kilala ko si Ma'am Aya eh! Bawal mag No sa kanya!
...
"Makipagdivorce ka na kesa parang pinagbagsakan ka ng langit at lupa dyan sa kakaisip sa asawa mong walang alam na bulaklak kundi sunflower." nakangising saad ni Glenn. Naningkit yung mga mata kong napatingin sa kanya. Mukha na din 'tong divorce eh! Mabait naman si Suha eh keri keri naman na pakisamahan saksakan nga lang ng arte sa katawan at attitude. Talagang problemado lang ako kase makakasama ko sina Ma'am Aya sa iisang bubong ng ilang araw. Sobrang nakakahiya!
"Hay! ang baba ng standard..." bubulong bulong nyang saad.
"Bakit kaya si Carol lang yung sumakop ng kabaitan nung nagpaulan ang dyos? Anong ginagawa mo nung mga oras na yun Glenn?"sarcastic kong tanong at napatawa sya.
Napatigil sya sa pagtawa ng bumukas yung pintuan at niluwa noon si Cyrll na parang bored na bored na nakatingin kay Glenn.
"Let's meet the Alameda." turan ni Glenn at napasalampak ng upo si Cyrll sa tabi ko.
"How are you?" tanong sa akin ni Cyrll at parang hindi na nag eexist si Glenn sa mga mata nya. Kung hindi mo kilala si Cy matatakot ka sa lalim ng pagkaitim ng mga iris ng mga mata nya. Akala mo yung mga killer sa mga movies at serye.
BINABASA MO ANG
Second Color of the Seven (GirlxGirl)
Storie d'amoreLesbian Love Story Santillan Series