Orange's POV
Kahit anong ingay ng tugtog sa loob ng bar na 'to ay hindi ko mainda dahil pakiramdam ko ay walang buhay yung buong paligid ko.Putang inang tatlong taon na! Ginawa ko ng lahat pero ayaw pa din nyang sabihin sa akin kung nasaan yung asawa ko. Binigay ko ng lahat ng sama ng loob hayop ayaw pang bumigay!
Tatlong taon na kong nababaliw sa kakaisip kung anong kalagayan na ng asawa ko. Hindi ko na talaga sila mapapatawad dahil inalisan nila ng karapatan si Rhian na makita yung paglaki ng anak namin. Namiss lahat ng asawa ko yung pag aalaga sa anak ko habang baby ito. Nakakapanglumo!
Halos lahat ng paghahanap nina Giesel ay puro gamuntikan at pakiramdam namin ay puro false information. Pinaglalaruan kami. Kapag nakuha na namin si Rhian ay saka ko sila babalikan. Kailangan ko lang masiguro na ligtas sya bago ako gumanti pabalik.
Napatingin ako sa kabilang side ko dahil naupo si Glenn sa tabi ko. Hindi ko alam kung panong nangyare basta naging maging magkaibigan kami dahil tinutulungan nya kong maghanap sa asawa ko at sobra pang spoiled nya sa anak ko gaya ng ginagawa nya kay Rhian dati. Kaya ginawa ko syang Ninang ni Jaune para sa pag uwi ni Rhian matuwa sya na ayos na kami ng bestfriend nya.
"Happy birthday Dalandan." tamad na tamad na bati nya.
"Sana di mo na lang ako binati." simangot ko at natawa sya bago tinungga yung iniabot ni Nube sa kanya na alak.
"Napakatagal naman ni Giesel." sabi ni Nube habang katabi nya yung girlfriend nya at para silang mga pusa kung maglampungan.
"Masasakal ko na yung babaeng yun alam naman nyang nag aantay si Jaune." sabi ko
"Maaga pa naman. Gave her another 15minutes at kapag hindi pa dumating eh mauna ka na." sabi ni Glenn.
"Ayan na yung dragon!" taranta ni Nube at nagulat ako ng biglang sumampa yung girlfriend nya sa lap ko. At nagpipigil ng tawa sina Glenn sa itsura namin.
"Nandidiri na talaga ako sa pinaggagawa natin.." mahinang reklamo ni Hazel sa akin habang nakapalupot yung mga braso nya sa leeg ko.
"Malapit na din bumaliktad yung sikmura ko..." anas ko kaya mahina kaming napatawa dahil ginagawa namin 'to tuwing nasa malapit si Johara para galitin at pasakitan sya. Pasimple akong napalingon kay Nube at pinagmulatan ko sya ng mga mata ko. Gagong manyak na 'to! Mukhang manggagahasa ang lintik! Sobrang pagpapantasya na ng hayop!
Hazel put her index finger to my lips para maging patagong barrier ito sa pagitan ng mga labi namin para kunwari ay naghahalikan kami. Sobrang artista talaga nito!
Gusto kong matawa dahil sabay pang umikot sa ere yung mata namin dahil nilapit na nya yung mga labi nya sa likod ng daliri nyang nakapatong sa labi ko.
"Seriously? Orange nag aantay sina Tita Aya sayo sa bahay para i-celebrate yung birthday mo at kakauwi lang ni Jaune galing Madrid tapos nandito ka at ganyan yung pinaggagawa mo!" halos pasigaw na sita nya. Umayos ng upo si Hazel sa lap ko at inalalayan ko sya baka bumagsak sya. Napataas ang kilay ko ng nginisihan nya si Johara pabalik. Pakamaldita talaga nito bakit nagustuhan ni Nube 'to?
"Sa akin muna magcecelebrate 'to. Mayamaya papauwiin ko din." maharot na na sabi ni Hazel. Si Glenn ay napasandal ng maayos at tuwang tuwa sya sa napapanuod nya. Sobra ang galit, selos at insecurities sa mga mata ni Johara sa mga oras na 'to pero wala akong pakialam!
"Bakit yung babaeng yan? Alam mo ba yung pinaggagawa nyan habang nakatalikod ka? At kung sino yung kaharutan nya? Orange! tinatraydor ka ni Nube!" sigaw nya at nagkanda samid samid yung kaibigan ko ng isigaw ni Johara yung pangalan nya.
"Nube will never do that...All of the people that around me, I know Nube will never do that. I trusted her so much!"saad ko ng seryoso at napangisi ako ng malanding humawak sa mukha ko si Hazel para lalong galitin si Johara.