27

3.8K 288 26
                                    

Giesel's POV

Pagpasok ko sa kwarto ni Kahel ay nagpapanic sya.Parang naalimpungatan pa yata sya.

"Gie! M-my wife she's here..." natatarantang saad nya marahil natatakot sya na baka akala nya naitago ulit si Puffy. At ang gago kagigising lang talaga!

Naglakad ako palapit sa cabinet at kinuha sya ng susuotin nyang damit. Heto! Mas mukha syang hindi nakakatakot na boss kapag ganitong damit. Dapat mukhang friendly ang peg nya kapag kaharap nya si Puffy.

"Umuwi lang sya saglit. Saka umoo sya sakin  na sasabay syang magbreakfast kasama tayo. But one thing Kahel, wala syang maalala at wag mo syang bibiglain dahil siguradong ang unang pagtatanungan nya ay yung kumuha sa kanya at hindi sya magtitiwala sa atin dahil sobrang daming gulo yung dumaan sa kanya after that accident at yung taong lang yun ang pinapaniwalaan nya.At malamang itatakas na naman nya yung asawa mo kapag nalaman nyang lahat itong pinaggagawa natin.Kaya sumakay ka na lang muna sa sitwasyon at pigilan mo ang sarili mo. Make her fall in love again with you para walang hirap na sa atin na sya sasama." turan ko at nilapag ko yung damit na susuotin nya.

"Maligo ka na...malamang sa mga oras na 'to papunta na yung asawa mo." sabi ko bago tumayo at naglakad palabas ng silid nya.
Napataas ang kilay ko ng may mapansin ako sa kanya.

"Hayop! Sobra pagkakapapak sayo ng asawa mo!Sharap?" tawang tawang saad ko habang sinisipat ko yung leeg nya.

Ang sama ng tingin nya sakin.

"Tang ina ka kamo Giesel! Labas!" sigaw nya!

"Kahel, Sampung milyon ko huh? Sabi ko sayo mabisa ang lugar na 'to sa pag aalis ng mga naimbak sa puson eh!" natatawang pang aasar ko bago lumabas.

Pero ang hayop nakakailang hakbang palang ako nagtext na hindi sya kakain kung hindi ko sya ipagluluto!

"Abnormal talaga!" saad ko.

Bago ako nagtungo sa kusina ng resort nina Puffy ay nagtungo ako sa kubo na pinag inuman namin kagabi para i-meet sya.

Napangisi sya ng makita ako.

"Napakagaling pa din umarte! Walang kupas Dennise!" natatawang saad ko at naupo sa katapatan nya. "Balita ko nominated ka ngayon dahil sa latest movie mo? Walang kalaban?" pang aasar ko pa.

"Tsk!" natatawang saad nya at napairap sa akin.

"Ano? Settle na kaysa si Orange mismo ang makapanakit sa inyo at talagang gaganti sya kapag nalaman ng kaibigan ko na talaga palang sya ang nagtago sa asawa nya? Ayoko ng gulo. Pro-kapayapaan kase ako." sabi ko at tinaasan nya ko ng kilay.

"I am not the one to decide that. Mabait naman na kapitbahay sina Puffy dati kaya nakakakonsensya." sabi nya.

Mabait naman pala eh! Eh bakit ganito yung ginawa nya? Kung hindi ko pa sya gamitan ng mahiwagang technique ko hindi sya aamin.

"May taping ka ba dito?" tanong ko.

"Wala. Sinamahan ko lang sya na silipin si Puffy. Hindi talaga sya nasisindak kay Orange." simangot nya.

"Bakit sumama ka pa?" balik ko.

"Hmmmp! to make her not that obvious!" sabi nya. "Papatayin nya talaga ako kapag nalaman nyang nandito kayo at hindi ko sinabi sa kanya." Simangot nya kaya natawa ako. Hindi nya ko kayang tiisin.

"O baka dahil nandito ako? Namiss mo yata yung pangto-torture ko sayo eh!" ngisi ko na syang kinataas ng mga mata nya sakin at pamumula ng mukha nya. See! Nagustuhan nya yung mahiwagang technique ko!

"Tang ina mo Giesel! Yun ang bagay na pinagsisihan kong hayop ka! Kainis!" singhal nya. Napaamin ko kase sya kung nasaan si Puffy.

Napatawa ako. Napakapikon talaga nito.

Second Color of the Seven (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon