9

4.7K 273 29
                                    

Rhian's POV

Wala na kong nagawa ng makalipat na kami sa bagong bahay namin dahil nakaayos na lahat ng gamit ko pagdating namin! Hindi talaga uso ang salitang self descision making sa pamilya ni Suha.

Magkasama kami ni Orange sa iisang kwarto. Buti na lang ang laki ng kama kaya hindi nakakailang na magkashare kami dito. Pag iingat na din daw namin ito dahil panigurado daw ay mambibigla ng dalaw sina Ma'am Aya dito.

Saka ngayon ko napagtanto na hindi marahas at mapang abusong tao si Suha kaya panatag na din ako kapag nasa paligid ko sya talagang may ugali lang sya na maipilit.

Pagkasundo nya sakin sa trabaho ko ay sya na din ang nagpresinta na magluto ng hapunan namin.

Mayamaya ay may nagdoorbell at ako ng nagbukas.

"Goodevening!" bungad na bati ni Audrey promise feeling ko sya yung pinakafriendly sa Santillan dahil ang gaan ng awra nya At may dala syang basket ng prutas.

"G-goodevening Audrey...pasok ka." saad ko at niluwagan ko yung pintuan para sa kanya.

"Wow ang ganda ng bahay nyo." saad nya at nagtuloy tuloy sya sa kusina.

"What the hell are you doing here!" Damn it!" ayan dumagundong na yung boses ni Suha. Gosh!

"Hindi ikaw binibisita ko...si Puffy ang binibisita ko." natatawang saad ni Audrey at kindat sakin na kinatawa ko. Pakapang asar nya.

"You laugh in retarded's joke?" hindi makapaniwalang tanong nya sakin. Napaka akala mo kalugihan nya na natawa ako sa pinsan nya.

Napataas ang kilay ko sa kanya.

"What? Nakakatawa kaya...iisa lang bloodline nyo.." natatawang saad ko na kinasimangot ng pagmumukha nila.

Mag aaway pa eh! Pareho lang naman na Santillan sila. Sense right?

"Pang dalawahang tao lang yung niluto ko..." pagtataboy ni Suha kaya napatingin sakin si Audrey na nakakaawa ang mga mata. Napangiti ako dahil para syang bata.

"Hati tayo ng parte ko Audrey...." nakangiting alok.

"Yes! Addy na lang Puffy..." masayang saad nya at talagang ayaw nyang tingnan si Suha.

Inirapan ako ni Suha kaya tinaasan ko sya ng kilay. Lalong hindi maipinta ang mukha ni Suha dahil todo asikaso sakin si Audrey.

"Anong favorite hobby mo?" tanong ni Audrey sakin.

"Kahit ano...kailangan ko kaseng maging flexible dahil sa mga anak ni Mrs. Ricafort kahit yung isang anak nya eh ang tamad...So sa isa ako nag aadjust, Swimming, Hiking, Car racing, Archery saka kung anu ano pang ibig gawin nung panganay ni Mrs Ricafort." kwento ko. Kahit si Aeriel nga kung anu anong pinaggagawa dahil sa kabaliwan ni Ma'am Shann kaya feeling ko normal lang ito sa mga secretary ng grupo ni Cyrll.

"Wow! Ikaw na! " lintaya ni Audrey kahit si Suha natigilan.

"Ano ka! Kailangan lang namin gawin yun kase puro katangahan yung grupo ni Cyrll at kapag kulang sila ng kalaro halimbawa sa baseball kaming mga secretaries nila yung napagdidiskitahan nilang makalaro...." sabi ko bago sumubo. "Saka bigatin yung premyo nila kapag nanalo kami kaya si Kieron at Aeriel eh G na G sa palaro ng magkakaibigan na yun." kwento ko at napatawa si Audrey.

Habang kumakain kami ay panay tanong ni Audrey tungkol sa akin pero hindi nya inoopen up yung tungkol sa pamilya ko.

"Kung ako nauna nakakilala sayo Puffy ako ang manliligaw sayo...hindi talaga kayo bagay ng pinsan ko...saka feeling ko magdi-devorce din kayo nito..wala talaga ako maramdaman na may feelings kayo sa isa't isa. Halatang pilit eh.Ikaw ang dahilan ko kaya ayoko na munang bumalik ng Madrid."lintaya ni Audrey na kinatigalgal ko. Napaigtad kami ni Audrey ng malakas na hinampas ni Suha yung lamesa at kagat nya yung ilalim na labi nya sa pagpipigil ng galit nya.

Second Color of the Seven (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon