Orange's POV
Mag aala sais na ng gabi ng mapahinto ako sa ginagawa ko at napasandal yung likod ko sa kinauupuan ko habang hilot ko yung sentido ko. Nakakasama ng loob talaga si Rhian. Hindi na nya naisip na mabuo yung pamilya namin. Hindi na nya naisip si Jaune!
Mayamaya ay bumukas yung pintuan ng opisina ko at niluwa noon sina Mommy at si Jaune. Patakbong lumapit sa akin yung anak ko kaya napatayo ako at sinalubong sya. Kinarga ko sya bago ko sya hinalikan sa pisngi nya.
"Ang bigat na ng baby ko..." at pinanggigilan ko ng halik yung pisngi nya na kinabungisngis nya.
"Sabay na kayong magdinner na dalawa dahil pupuntahan ko yung Tita Dominique mo dahil may meeting kami tapos susunod na lang ako sa inyo...." sabi ni Mommy bago humalik sa pisngi ko.
"Ihahatid na po namin kayo..." sabi ko dahil malapit lang naman yung bahay nina Tita Dom sa amin.
"Hindi na anak..." ngumiti sya sa akin kaya wala akong nagawa.
"Saan mo gustong kumain anak?" tanong ko kay Jaune habang karga ko sya ng makalabas kami ng building ng Santillan. Hindi na ko gagamit ng sasakyan at maglalakad na lang kaming dalawa para makapamasyal yung mga mata ng anak ko sa paligid. Lagi kase syang nakakulong na sa bahay gawa'y tinuturuan sya ni Mommy ng mga basic para preparation nya sa next school year.
May tinuro yung anak ko kaya doon kami pumwesto at nagtext na ko kay Rhian kung nasaan kami para pirmahan ko na yung kaligayahan nyang kalayaan! Buwisit!
Habang nag aantay kami ng order namin ni Jaune ay nagkukwento sya regarding sa mga bagong natutunan nya na mga kulay, numero at Spanish word. Kinakausap kase sya ni Dada sa salitang kastila. Kung kailan naman lumalawak na yung isip ng anak namin saka nag gaganito yung nanay ng anak ko!
Nang dumating yung inorder namin ay wala pa din si Rhian. Ibang klase talaga! Nagpakalate na nga ako mas malala pa din sya sa pagkalate!
"It's confusing...." saad ng anak ko habang tinutusok nya yung maliit na chunk ng gulay sa plato nya.
"What is confusing baby?" tanong ko bago magpunas ng bibig ko at malambing akong nakatingin sa kanya.
"It's hawd to speak spanish and dutch at the same time..." reklamo nya na kinatigil ko.
Anong dutch? Espanyol ang ibang dugong nanalaytay sa kanya bakit sya mag aaral ng salita ng dutch?
Pinanuod ko sya habang inaayos nya yung pagkain sa plato nya.
"Baby what are you doing?" takang tanong ko at pinunasan ko yung bibig nya na may sauce ng kinakain nya.
Hindi nya ko sinagot bagkus ay nagpalinga linga sya sa buong paligid.
Mayamaya ay nagliwanag yung mukha nya habang nakatingin sa bandang likod ko.
"Mommy!" irit nya sa saya at nagslide sya pababa sa kinauupuan nya at tumakbo sya papunta sa likod ko. Napasimangot ako at napalakas yata yung tuhog ko sa pagkain ko sa plato ko dahil nalasog yung gulay!
"Namiss mo ko?" lambing nya kay Jaune habang karga nya at dumaan sila sa gilid ko.
Naupo sya sa inupuan ni Jaune habang karga nya 'to.
Ako? Hindi ko sya namiss! Asa!
"Is this your food?" malambing na tanong nya sa anak namin at tumango sa kanya si Jaune. Nagkwentuhan silang mag ina sa napakaraming bagay! At hindi nila ko pinapansin.