16

4.1K 257 23
                                    

Rhian's POV

Hindi ako nakasagot.

Ang tanga ko dahil hindi ako nakasagot sa long time crush ko? Sobrang gaga lang Rhian? Manliligaw sayo yung long time crush mo na standard mo sa lahat, anyare? Bakit natameme?

Eh kase naman baliw na baliw kay Carol yan tapos mag gaganito sya sakin. Kundi ka ba naman maaning. Saka kung titingnan mo yung mga taong nagustuhan nya mga pre lahat dyosa! Eh ako?

Saka kung tutuusin itong baby na nasa sinapupunan ko lang ang nag uugnay talaga sa aming dalawa kase yung kasal namin sa US wala namang something na pagmamahal na nangyare doon kita nyo naman dinala lang nya sa tinutuluyan ko sa US that time yung marriage contract ni hindi ko nga nakita kung sino man yung nagkasal sa amin na pumirma doon.

Saka feeling ko kawawa ako kapag nagpatangay ako tapos sya alangan pala sa feelings nya. Lagi ba naman kase na magkasama kami baka kaya nalito sya.

"Okay ka lang?" nagulat ako na nasa tabi ko na pala si Giesel.

Occupy kase namin yung VIP cottage ni Cielo dito sa resort. Cottage pa ba ito kase parang mansyon na sa laki eh. Sina Nube at Suha ay nagluluto dahil umandar na naman kase yung kaartehan ni Suha na ayaw nya ng pagkain na luto ng ibang tao. Napansin ko din yun kapag kumakain kami sa labas hindi sya nakakatapos ng pagkain sa plato nya kaya ang ending ako ang nag uubos ng pagkain nya kase sayang ang bayad.

"Medyo.." sagot ko.

Naupo sya sa tabi ko.

"Nasabi na nya sayo na manliligaw sya di ba?" tanong nya at napatango ako.

Napangiti sya sakin.

"Ikaw pa lang ang nagturned down kay Orange..." natatawang saad nya na kinaiwas ko ng tingin.

"Iba yung turned down sa wala pang sagot noh..." nakangusong sabi ko at hininaan ko yung boses ko kaya napatawa sya.

"Yung totoong ugali ni Orange? Namana nya iyon sa Mommy nya kay Tita Max kaya sweet person talaga sya. Pero ang pilit nyang pinoportrait ay yung ugali ng Dada nya para hindi sya lalong durugin ng mga taong nasa paligid nya na walang tiwala sa kanya. We never see Orange to fall in real love....kung iniisip mo yung kay Carol Ricafort hindi iyon pagmamahal....sobrang humanga lang si Orange sa kanya dahil sa pagiging malaya at matatag na babae ni Carol na never nyang magawa sa sarili nya....Don't be afraid to let Orange to invade your life especially your heart....she's worth it." tapik nya sa balikat ko.

"Binebenta mo sakin yung kaibigan mo.." mahinang muryot ko.

Lalo syang natawa.

"Hoy! hindi huh! Hindi ko sya binebenta sayo...It just tinutulungan ko lang yung tuod kong kaibigan. Alam mo ba noong sila nga ni Johara numero unong kontrabida nga ako sa relasyon nila dati... sukdulang akitin ko na si Orange maghiwalay lang sila..." natatawang kwento nya at parang may ginawa syang kalokohan kaya tinampal ko sya sa braso nya.

"What? hubad lang.." natatawang dugtong pa nya. Ang baboy talaga!

"Hindi tuloy ako makatuntong ng Santillan Empire dahil doon." parang proud pa nyang kwento kaya natawa ako. Sira ulo!

"Hayop Giesel ang manyak mo!" kasora paano nyang nakukwento sa akin ang mga bagay na 'to eh kakakilala ko lang sa kanya.

"Don't worry mas manyak asawa mo!" halakhak nya. Napaka!

Magkatabi kami ni Suha at nasa katapatan namin yung dalawa na busy nagkukwentuhan samantalang kami ni Suha ay nagpapakiramdaman sa hindi namin malaman na dahilan.

Napatingin ako kay Suha ng lagyan nya pa ng pagkain itong plato ko. Tinaasan nya ko ng isang kilay.

"Nube manood ka! ito na yung part ng isang story kung saan maghahalikan na yung dalawang bida dahil hindi nila malabanan yung siklab ng pagmamahalan nila." natatawang saad ni Giesel habang tawang tawa din si Nube ng mag iwasan kami ng tingin ni Suha.

Second Color of the Seven (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon