Orange's POV
Nasa kwarto ako ngayon at nandito yung dalawang kaibigan ko. Tahimik na pinagmamasdan ni Giesel yung buong kwarto namin ni Rhian at si Nube naman ay tahimik na nakaupo sa isang sulok malapit sa crib ni Jaune na natutulog ngayon. Inilipat ko kase sya dito sa kwarto ko para hindi ako mabaliw kakaisip sa kalagayan ng asawa ko.
"Wala kang pinagkakatiwalaan ni isa na nasa salas ngayon ng bahay nyo noh?" tanong ni Giesel sa akin at napatango ako.
"Kailangan ko kayo...tulungan nyo ko sa paghahanap sa asawa ko." nanghihinang turan ko. It's freaking 9days! Hirap na hirap na ko sa totoo lang at hindi na ko nagkakatulog sa gabi at hindi na ko makakain ng maayos.
"Grabe ang galit ng mga Ricafort sabi sa akin ng kamag anak naming heneral, First time din daw nakita nina Daddy na makitang magalit yung bunso ni Sir Alejandro....Tapos si Glenn halos baliktarin na yung buong Santillan Empire sa galit nya noong emergency meeting dahil nakafreeze lahat ng mga projects na kasama ang pamilya Tan. Mukhang madaming masasayang na magandang samahan dahil sa pagkawala ng asawa mo." sabi ni Giesel.
"Carol never been that mad...wala ngang pakialam yung ugali nun eh tapos ngayon basta kakaiba nakakatakot. Sabagay favorite kase ng magkapatid yung asawa mo." sabi ni Nube.
"Ganito ang gagawin natin, magbubukod tayo ng paghahanap sa asawa mo at yung mga ditalye na malalaman natin eh sa ating tatlo lang. Tulad ng dati tayong tatlo lang ang magkakampi." turan ni Giesel.
Tama si Giesel dapat wala akong pagkatiwalaan sa kanila.
Mayamaya ay may kumakatok sa pintuan ng kwarto ko at pagkabukas noon ay si Yvie.
"Can I talk to you?" tanong nya at automatic na lumabas yung dalawa at sumenyas na nasa salas lang sila.
Pagkasara ng pintuan ay napatingin ulit si Yvie sa akin.
"Yung nakasagasa sa asawa mo, hawak na namin. Nadukot sya ni Carol. Hindi ito alam ng mga pulis. Gusto kong mabawasan ng kaunti yung galit dyan sa loob mo kaya sabi ni Cy ikaw ng bahala...." sabi nya na kinausbong ng galit ko.
Sinabihan ko si Giesel na sya munang magbantay sa anak ko dahil busy sina Dada sa pakikipag ugnayan sa mga koneksyon ng pamilya namin para mahanap si Rhian.
Pasimple kaming umalis ni Yvie na hindi namamalayan nina Dada.
Pagdating namin sa 4th street ay pumasok kami sa isang eskinita. Warehouse pala 'to.
Naglakad kami papasok ng warehouse at napansin ko ang tataas ng talahiban at may mga sirang sasakyan. At yung mga establishment sa paligid nito parang sadya yung mga layo at hindi ganun katataas.
Ang dami daming scenario ng pumapasok sa isip ko. Ano na kayang kalagayan ng asawa ko? Baka sinasaktan na sya ng kumuha sa kanya? Nag gagamot pa yun eh! Saka alam naman ng lahat na may anak kami bakit nila inilayo sa anak ko si Rhian!
Tang ina talaga makakapanakit talaga ako!
Napaigtad ako ng may umalingawngaw na tunog ng bakal na bumagsak.
"Sikreto lang 'to huh?" tanong ni Yvie sa akin kaya napatango ako. "Gago talaga ni Carol dapat kami ang gumawa nito kase alam ko na papatayin talaga ako ng mga Santillan kapag nalaman nilang sinasamahan pa kitang magpabuyo sa mga dimenyo kong mga kaibigan." turan ni Yvie.
Hindi ako kumibo dahil papaubos na din kase yung pasensya ko.
May nakaluhod sa gitna at nakapiring ito. Duguan na yung lalake. Napatingin ako kay Carol na busy sa kausap nya sa cellphone nya at parang ang amo ng mukha nya habang may kausap sa kabilang linya. Si Cyrll naman ay nakasquat at parang kausap yung lalake. Si Hunter naman ay busy sa pag aayos ng tray na may kung anu anong botelya at syringe tapos kinukulit sya ni Gale. Nanlamig ako dahil parang sobrang casual lang nitong ginagawa nila.