Rhian's POV
Nagpadala ng lunch sa akin si Suha dahil tinatamad daw syang lumabas ng opisina nya para kumain pa sa labas.Pagdating ko sa office nya ang dami ding pagkain at karamahinan doon ay yung mga gusto ko na lagi kong pinapabili sa kanya recently. Habang kumakain kami ay panay kwento nya sa akin about sa dalawang kaibigan nyang sina Nube at Giesel. Isasama nya daw ako sa out of town nila bukas dahil successful yung project nila sa Singapore at sa hindi ko malamang dahilan ay natutuwa ang loob ko sa mga achievements nyang 'to.
"You should pursue that Suha....I think you will be great in that industry..." seryosong sabi ko bago kumain ng hinog na mangga. Napangiti sya sa akin.
"Talaga?" nakangiting tanong nya.
"Oo naman magtiwala ka lang sa sarili mo....akin na lang 'to..." sabi ko at kinuha ko yung plato nya ng pasta.
Natatawa lang syang nakatingin doon sa paborito nyang pagkain na kinuha ko.Sobrang gusto talaga nya sa automotive industry kaya susuportahan namin sya ng anak nya.
Mayamaya ay bumukas bigla yung pintuan ng opisina nya kaya sabay kaming napatingin doon. Si Johara may hawak na papel at halos malamukos iyon sa madiin na pagkakahawak nya.
Napalunok sya habang nakatingin kay Suha at hindi man lang ako tinatapunan ng tingin ng bagong dating. Napatayo ako para lumabas sana dahil mukhang importante yung pag uusapan nila, mayamay ay nagulat ako ng hawakan ni Suha yung isang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Saan ka pupunta?" takang tanong nya.
"Lalabas." sagot ko. Nagsalubong ang mga kilay nya at hindi sya makapaniwalang nakatingin sa akin.
"You are not a secretary here Rhian. You are my wife...lahat ng privilege na natatamo ko sa lugar na 'to ay privilege mo din. Walang pwedeng magpaalis sayo dito hangga't walang permiso ko o kaya ni Dada. Umupo ka." seryosong saad nya kaya wala sa sariling napaupo ulit ako sa tabi nya. Napabuntong hininga sya bago seryosong tumingin sa bagong dating at napalunok ako this time dahil pain was visible in Johara's eyes.
"What now Johara?" tanong ni Suha sa kanya.
"Why the hell you do this?" at iniangat ni Johara yung papel na hawak nya.
Parang wala naman pakialam si Suha sa dala ni Johara.
"Paano yung responsibilidad mo sa Santillan Empire?" mariing tanong ni Johara.
Napatingin sa kanya si Suha na para bang tamad na tamad syang magpaliwanag dito sa isa.
"Ano naman sayo? Stop acting like that Johara...." malamyang sabi ni Suha. Naiilang na ko sa totoo lang kase nag aaway sila sa harap ko at hindi ako makarelate.
"Napag iiwanan ka na nina Cielo at Audrey tapos ganito pa yung gagawin mo? Gusto mo bang bumagsak ang kalahati ng haligi ng emperyo na 'to dahil sa pagiging iresponsable mo? Naman Orange!" pagalit nya kay Suha. Lihim akong napangiwi dahil feeling ko ayaw ni Suha na ganitong kinukwestyon ng ibang tao ang pagiging iresponsable nya. Saka iba iba naman sila ng kakayahang magpipinsan eh hindi dapat ikumpara. Yung grupo nga nina Cyrll hindi nagparesan ng kakayahan nila pero successful silang lahat. Kapag sa career naman ng isang tao kanya kanya naman yan kung anong oras mo makukuha yung goal mo at hindi mo pwedeng i-align ito sa oras ng pagkapanalo ng ibang tao.
"Ang tanong ko sayo ay 'Ano naman sayo?' at medyo lumalagpas ka na naman sa buhay ko Johara. Pumayag na sina Tita Dom at Dada regarding sa dyan sa resignation ko." lintaya ni Suha at doon ako nagulat. Hala! bakit sya nagresign?
Nagsalubong yung kilay ni Johara bago napabuga ng hangin.
"Anong gagawin mo sa buhay mo? Ganyan na lang at mag aantay na ipamana sayo ni Tita Aya lahat ng wala ka man lang gagawin para maipakita sa lahat na deserve mong lahat itong pinaghirapan ng mga magulang mo." sumbat nya kay Suha at sa parteng iyon ako napikon pero nagpigil akong sumabat dahil sa pagkakaalam ko ang pamilya ni Johara ay may share din dito sa Santillan Empire. Wala akong laban.