21

3.6K 245 23
                                    

Orange's POV

Dati kapag nasasaktan ako nasasabi ko ito sa mga magulang ko pero ngayon hindi ko malaman bakit hindi ko magawa. Isang buwan at kalahati na ang nakakalipas, Rhian still not fine. My wife still not fine.

Nasasaktan ako ng dahil sa anxiety at depression na nararanasan nya ay nirequired ng doctor nya na ibukod muna yung baby namin kaya ang nag aalaga muna dito ay ang mga magulang ko.

Dapat masaya kami ngayon habang nagtutulong kami ni Rhian sa pag aalaga ng anak namin. Kung paano masisidlan ng malakas na pag iyak at hagikgik ng anak namin itong bahay. Yung maririnig mo yung pakikipag usap ni Rhian sa anak namin. Lalo na yung kung sino yung babangon sa madaling araw kapag umiiyak ang unico hijo namin. Yung uuwi ako ng after ng trabaho ko sila ang sasalubong sakin.Sana umayos na sya para maranasan namin iyon at hindi namin ma-miss.

Madalas kase tahimik ngayon si Rhian at kita mo sa mata nya na para syang isang lalagyanan at walang laman sa loob. Kaya ang ginagawa ko lagi akong nasa tabi nya at ginagawa ko ang lahat para i-cheer up sya at pinaparamdam ko sa kanya na sya ang pinakamagandang babae sa buhay ko, na sya yung nag iisang mahal na mahal ko.Ginagawa kong lahat para hindi sya makaramdam ng lungkot at takot. Gusto kong idepende nya sakin ang lahat. Mahal ko sya eh.

"Suha bakit hindi ka na pumapasok ng trabaho?" tanong nya. Pinipilit nyang maging normal at hinahayaan ko sya na gumawa ng gawaing bahay para hindi nya maramdaman na may mali. Tulad ngayon nagliligpit sya dito sa may salas namin at ako ay nakaupo sa sofa dahil naghihintay ako ng tawag ni Giesel.Sobrang nahahabag at nasasaktan ako para sa kanya dahil sobra ang pangingitim ng ilalim ng mga mata nya indikasyon na hindi sya nagkakatulog sa gabi. Hinawakan ko ang kamay nya at hinila ko sya paupo sa kandungan ko. Ang gaan na din nya.

Yinakap ko sya ng mahigpit pagkatapos ko syang kintalan ng halik sa mga labi nya.

"Nagsasawa ka na ba sa pagmumukha ko? Work from home naman ako eh....saka gusto ko ng quality time sa misis ko." lambing ko pero heto na naman ang lalim na naman ng iniisip nya. Tapos ang nakakaloka hindi sya nag oopen up patungkol sa anak namin. Parang nakalimutan na nya 'to.

Siniksik nya ang mukha nya sa gilid ng leeg ko. Aisshhh! wrong move! napalunok ako at napapikit ng mariin. Sobrang pagpipigil ko noon pa man din kaso buntis sya noon at ngayon naman kakapanganak pa lang nya bawal pa yata. Orange tulad ng dati, magdasal ka na ng pagpipigil!

"Orange bakit ang bango mo? Dati nababahuan ako sayo...." saad nya na kinalaki ng mga mata ko.

"Mabaho ako dati para sayo? Seryoso? Araw araw kaya akong naliligo dahil nakakahiyang lumapit sayo ng amoy pawis..." turan ko at napatawa sya ng mahina. Yinakap ko sya ng mabuti baka mahulog sya.

Nag iba sya ng pwesto at nakakulong na ko sa magkabilang binti nya habang nasa lap ko pa din sya at nakapalibot sa leeg ko yung dalawang braso nya. Ang tanga ko dati bakit hindi ko sya napapansin noon, kung napansin ko lang sya noon pa baka nahulog na ko dati pa.

"Pwede na kayang mag makelove? hindi ko ba naman natanong-----" natigilan ako dahil nanlaki yung mga mata nya dahil naivoice out ko pala.

"Orange---" hindi na nya natuloy ang sasabihin nya ng siilin ko sya ng halik. Hindi ko na kase mapigilan na! Feeling ko nag init yung punong tenga ko ng magsimula ng umakyat yung kamay ko sa may bandang dibdib nya. Napangiti ako habang hinahalikan ko sya dahil umalpas ang ungol sa bibig nya.  Pinadausdos ko ang mga labi ko pababa ng leeg at hinalikan sya pataas ng punong tenga nya.

"Hindi ko na talaga kayang pigilan---" anas ko na nahihirapang tinig at feeling ko lahat ng paghihirap ko na natiis ko yung sarili ko na hindi ko nagawa sa kanya 'to ay hindi ko na magagawang pigilan pa. Hindi nya alam na paulit ulit bumabalik sa isipan ko. Kung paano ako nabaliw sa katawan nya simula nung may nangyare sa amin dati na halos araw araw gusto kong maangkin ito pero nagpigil ako dahil gusto kong maulit iyon ng mahal na namin ang isa't isa. Ang pinagsisihan ko ng gabing iyon na may nangyare sa amin nung gabi na yun sa US ay tinawag ko sya sa ibang pangalan at sobrang winalangya ko lang sya.

Second Color of the Seven (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon