37

3.9K 240 18
                                    

Rhian's POV

Wala akong naririnig na kahit na anong reklamo kay Orange kapag dinadalaw ko si Klea. Parang hinihintay nya na ako mismo ang magkukwento sa kanya. nakokonsensya ako sa sinapit ni Klea at Hindi ko maintindihan ang sarili ko sa totoo lang.
Nalulunod na ko sa sobrang daming nangyayari sa akin simula ng makatungtong ako ng Manila.

"Sleep more...Lagi kang napupuyat na..." bulong ni Orange habang yakap nya ko patalikod habang nasa bisig ko naman si Jaune na tulog na tulog. Alas tres palang kase ng madaling araw. Kakaidlip ko lang kanikanina pero heto active na naman yung isip ko.

"K-kasalanan ko bakit nagkaganun si Klea...napabayaan ko sya..." bulong ko.

Humigpit yung yakap sa akin ni Orange.

"Huwag mong isipin yan...wala kang kasalanan. Hindi mo hawak yung way ng pag iisip nya at sa paghandle nya ng sarili nyang problema. You doing your part---inaalagaan mo naman sya ngayon." saad nya.

"Y-you are not mad?" anas ko.

"Why would I? I trust you---basta sa amin ka ng anak mo." lambing nya. Napangiti ako. Pinagkakatiwalaan ko din si Orange this time kaysa sa mga memorya na isa isang nagbabalikan sa isip ko.

"Hindi ka nagkukwento ng pagsasama natin..." sabi ko.

Napatawa sya ng mahina at naramdaman ko na lang na hinalikan nya ko sa batok ko. Napabuntong hininga muna sya bago sya nagsimulang magkwento.

"We always go for a date. Lagi mo kong sinasabihan na sayang kapag tinanggihan mo yung aya ko at wala ng magkakamaling makipagdate sa akin.....Hindi mo ko tinatawag sa mga sweet endearments like other married couple na kakilala natin...Instead you called me Suha! kase nung nakilala mo ko sa prutas na yan mo inihalintulad yung ugali ko. Eh paulit ulit kong sinasabi sayo na hindi ako sa prutas pinangalan kundi sa kulay..." kwento nya at nagpigil ako ng tawa ko dahil sa tono ng boses nya.

"Ang sabi ko magkwento ka hindi ko sinabing ilatag mong lahat ng reklamo mo." mahinang saad ko lalo syang sumiksik ng yakap sa likod ko at sinandig nya yung pisngi nya sa pagitan ng leeg ko.

"But I kinda missed you calling me by that name...nalalambingan kase ako sayo kapag tinatawag ko ng  Suha..." saad nya at doon ko naramdaman na tatlong taon na mag isa si Orange na inalagaan nya si Jaune.

Tatlong taon sila nangulila sa akin. Kinagat ko yung ilalim na labi ko dahil nag iinit yung sulok ng mga mata ko.

Ang dami kong namiss sa kanilang dalawa ni Jaune.

"No matter what happened please....kami yung piliin mo." pagmamakaawang tinig ni Orange. Sila naman talaga yung pipiliin ko dahil sila na yung pamilya ko at mahal na mahal ko sila kaya gagawin kong lahat para sa kanila.

.....
Sobra kabog ng dibdib ko sa pangamba kung tama ba itong gagawin ko. Pinaunlakan ko yung invitation ni Johara na mag usap kami. Nasa paligid si Glenn dahil pinakiusapan ko sya na alalayan ako pero ang naging plano nya ay nasa paligid lang sya at hindi sya magapapakita dito.

Ginantihan ko yung mga tingin nya sa akin. Feeling ko napakalaki ng kasalanan nito sa akin at wala lang talaga akong maalala pero ramdam ko na napakalaki! Ang pagkakakilala ko lang sa babaeng 'to eh nililigawan sya ni Klea at ex girlfriend sya ni Orange.

Ngayon naman hindi ko sya matantya bakit ako yung gusto nyang makausap?  Si Orange ang magde-decide bakit hindi iyon ang kausapin nya.

"Nagbago ka na..." saad nito

"Klea made me this..." sagot ko at parang natigilan sya na para bang may sinabi akong mali.

"Anong pag uusapan natin?" walang emosyong tanong ko.

Second Color of the Seven (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon