39

4.6K 267 27
                                    

Hunter's POV

Tahimik akong nakasandig dito sa loob ng banyo ng kwarto nya. Alam ko na dito sya tumutuloy after nyang sumaglit sa condo unit nya. Nandito kase lahat nakalagay yung mga katarantaduhan nya na hindi alam ng mga magulang nya. Hanggang ngayon ay matigas sya at ayaw nyang patingnan sa isang duktor yung sugat nya sa balikat na binigay sa kanya ng kaibigan ko noong unang engkwentro nila dahil nasa basurahan yung mga ginamit nyang panglanggas sa sugat nya.Alam nya kasing mapapatunayan na sya ang kasama nung gabing bumigay si Klea. Malilintikan sya sa mga Santillan at sa mga Villarino.

Naging alerto na ko ng marinig ko yung pagbukas ng pintuan ng kwarto nya. Pagpasok nya sa loob ng banyo na 'to ay agad kong tinakpan ng itim na tela ang mga mata nya bago ko sya ginarote sa batok nya para mawalan sya ng malay.

"Ma'am..." tawag sa akin ni Leo marahil nagka- idea na sya na wala ng malay 'to dahil ang lakas ng kalampag ng bumagsak si Johara.

"Pasok dito Leo..." kaswal na sabi ko at pagkakita nya kay Johara ay binuhat nya ito papunta sa kama at inihiga.

Inayos ni Leo ang mga syringe at gamot na dala namin. Sobrang bihasa na nya talaga sa kalokohan sa ilang taon ba naman itong ginagawa.

Drugs.

I will make her a hard doper! She will feel she had the power to revange against us! At ang gagawin ko? Magdidirektor ako ng pangyayare na ikababaliw nya sa harap ng madla! And no one will believe her kahit ang mga magulang nya.

Sisiguraduhin kong ilang araw syang malilito sa mga nakikita at naririnig nya!

"Tell Aeriel to prepare the Saavedra's warehouse tonight..." utos ko habang sinasaksakan ko si Johara ng dala kong gamot.

"Sorry...Ang buong lugar na tinutungtungan mo ang playground ko." bulong ko.

Pagkatapos kong saksakan sya ng gamot ay nagtungo na ko sa salas. Mukhang kakatapos lang ni Leo na kausapin si Aeriel kaya yinaya ko na syang magtungo sa paborito naming warehouse. Aantayin ko si Johara na magtungo doon at magsisimula na akong magpakilala sa kanya.

Pagdating namin doon ay nadatnan ko silang lahat na nandoon na. Nakasuot na sila ng costume na pinagawa ko. Rabbit!

Lumapit ako kay Puffy at nag aayos na sya ng mga schedule sa log system naming lahat. Business Documents, plane tickets at pagdadaya sa log system na ginawa nya para sa mga Santillan. Ganito yung dating Puffy bago nawalan ng memorya eh. Ganito yung ginawa nya kay Lucian Anderson at sa pamilya nina Amber. Ginawa nyang legal at walang ginagawang kabalbalan ang grupo namin sa pamamagitan nito. Through Business Schedule! Kaya nyang palitawin na wala kami sa pinangyarihan ng kaguluhan na kinasasangkutan namin, na lahat kami ay nakascattered sa buong mundo. Shann on Australia, Gale and Cyrll on Berlin and Carol on other part of the world. Yvie and Andrea in Berlin kasama yung kambal. Yung trace ko burado dahil sa kanya at kay Cyrll. Orange is so damn lucky to have her. Lalakas sya sa babaeng 'to! Sya talaga ang sikreto ng mga Ricafort sa paglakas ng kumpanya nila.

Sinarado na nya yung laptop at napatingin kay Cy at Carol.

"Everything is set. Participation na lang nya Cy." walang ganang saad ni Puffy.

"Good!" Sabi ni Cyrll. Nag usap sina Cyrll at Shann regarding sa mga taong pakakawalan nila sa isang institution. Talagang ilulugmok namin sya sa kahihiyan after nito. Hindi na sya makakabangon sa mga mata ng mga Santillan o ng lahat.

Humarap ako kay Aeriel at Puffy.

"Ganito ang gagawin nyo..." at pinakita ko sa kanila yung parte na hindi delikadong hiwain. Tapos ang huling tinuruan ko ay si Leo kung saan sya aanggulo para magmukhang makatotohanan yung gagawin nya.

Second Color of the Seven (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon