Orange's POV
Habang nagluluto sina Dada ng tanghalian namin ay tahimik na naglalaro sa cellphone nya si Rhian dito sa loob ng kwarto namin. Hindi kase sya pinayagan nina Mommy na tumulong sa kusina kaya heto sa hiya nya sa mga magulang ko ay tahimik syang naglalaro sa cellphone nya. Kaya ang ginawa ko ay sumiksik ako sa gilid nya habang nakahiga sya sa sofa na nandito sa loob ng kwarto namin.
"Ano ba Suha ang sikip sikip na nga eh!" masungit na saad nya at tinutulak nya ko sa mukha ko para malayo ako sa kanya at pilit syang tumatayo na.
"Ayos ka huh! Okey pa tayo kanina tapos makataboy ka ngayon!" Reklamo ko dahil nagbibiruan pa kami kanina pero ngayon tinotoyo naman na sya!
"Lumayo ka nga sakin!" maktol pa nya habang tinutulak ako pero yinakap ko na sya at pilit pinapahiga sa sofa.
"Pakahayop mo Suha ano ba!" sigaw na nya yan kaya napatawa ako. Napakabugnutin ng buntis na 'to!
Natatawa akong lalo dahil hindi na sya makagalaw sa pagkakayakap ko at sobrang sibangot ng pagmumukha nya. Naku! hindi nya pwedeng i deny na nagugustuhan nya itong yakap ko dahil kapag madaling araw sobra pagkakasiksik nya sa akin habang tulog sya."Anong gustong kainin?" tanong ko dahil nagmumuryot lang 'to kapag gutom eh.
"Ewan ko." tamlay tamlayan na sagot nya at lihim akong napairap.
"Mcdonald?" tanong ko dahil alam ko favorite nya 'to.
"Okay lang." walang ganang sagot nya sakin. Ayaw nya.
"Jollibee?" alok ko pa. Hindi pwedeng huminto sa pag aalok dahil mas lalo syang totopakin. Yung mood ni Rhian parang sumasabak ka lang sa Pinoy Henyo yung tipong kailangan mong manghula ng manghula para tumigil yung bad mood nya!
"Okay lang." sagot ulit nya.
Ayaw pa din.
"Gala?" tanong ko at ang sama pa din ng tingin nya sakin. Kapatid ni Toyo talaga itong babae na 'to!
"Lumayo ka nga sakin ang luwang luwang nung kama eh! dun ka nga!"maldita mode na sabi nya kaya napatawa ako. Lintik! Sya lang talaga yung nag iisang tao na nakakaganito ng ugali sa harap ko.
Biglang may pumasok sa isip ko at napangisi ako.
"Alam ko na bakit ka nagtotopak..." naaaliw na sabi ko at lalong nagsalubong ang mga kilay nya.
"Umayos ka Suha huh!" banta nya.
"Gusto mo ba?" nakangising tanong ko pero deep inside natatawa ako sa magiging reaction nya.
"Huh?" at heto sobrang busangot na ng pagmumukha nya. Hindi pa din nya gets! Pinihit ko yung posisyon namin at nakaupo na sya sa bandang tyan ko. Medyo namula pa yung mukha nya sa pagkailang dahil sa posisyon namin.
Aalis sana sya sa pagkakaupo sa tyan ko pero pinigilan ko sya.
"Saan ka pupunta?" tanong ko pero deep inside natatawa ako sa pagkailang nya.
Mayamaya ay walang gana syang tumingin sa akin.
"Wag mo kong pagtripan Suha sinasabi ko sayo kapag alis nina Dada sampal ka sakin..." sabi nya at napangiti ako.
"Ang sungit... alam ko naman yung gusto mo eh...Kailan ba yung last? Sa New York ba o sa Las Vegas pa di ba?" Tanong ko at nanlaki yung mga mata nya. Sukdulan doon nya ko sinuntok sa may bandang sikmura ko feeling ko habol ko ang hininga ko at nagkanda ubo ako sa sakit ng mahigit ko ang hangin sa bibig ko.
Jusko!
"Isa pa Orange! talagang sasamain ka sakin!" banta nya at padabog na umalis sa tyan ko at nagdire-diretsong lumabas ng kwarto. Ouch!
![](https://img.wattpad.com/cover/219140840-288-k954907.jpg)
BINABASA MO ANG
Second Color of the Seven (GirlxGirl)
Roman d'amourLesbian Love Story Santillan Series