32

3.6K 255 43
                                    

Carol's POV

Parang nawala sa sarili itong hawak ko ng bumagsak na si Orange sa harap nilang dalawa. Napangisi ako at binitawan ko sya. Napatingin ako kay Klea na tuliro na sa lahat ng pinaggagawa namin. Mayamaya ay bumukas yung tatlong spot light na sinet up namin sa lugar na 'to at mga nakapwesto ito sa mataas na parte ng mga puno.

"Si Cy palang yung naniningil. Wala pa yung singil ko." at lumapit ako kay Klea habang tangan ko yung swiss knife ko na puro dugo galing kay Johara.

Nagsquat ako sa harap ni Klea at gamit yung talim ng swiss knife ko ay ginamit ko iyong pangtaas ng baba nya para mapatingin sya sa akin. Konti pa. Kaya pa nyang maghandle ng iba't ibang emosyon.

"Pareho tayo...sobrang ayaw ko din kay Orange but in different way why I hate her for Puffy. Napakairesponsable! Di ba? Kaya kung makaligtas man sya ngayon at hayaan namin sya sa piling ni Puffy...at gumawa sya ng kabalbalan like pumatol sya sa kaharutan nitong si Johara o ni kahit na sinong babae....Tatalupan ko pa din sya ng buhay. Nakakainis nga at sobrang mabilisan yung ginawa ni Cyrll sa kanya." dismayadong saad ko at aliw na aliw akong napatingin sa kanya. Hindi nya siguro sukat akalain na ganito akong klaseng tao.

Napatigil kami ng biglang may sumulpot sa damuhan.

"Tang inang Yvie yan! Pati kotse ko binaril ng hayop! Bobo!" galit na galit si Ate kaya napatawa kaming tatlo sa kanya.

Mayamaya ay nakasunod sa kanya si Giesel na himas yung magkabilang tenga.

"Ang sakit ng mga tenga ko sa bunganga mo Glenn! Bakit pinaulanan mo ko ng mura? Hindi naman ako ang may trabaho sa nangyare sa gulong ng sasak----" napatigil si Giesel ng nakaharap na sa kanya si Ate. Tang ina dito pa nag away!

Alangan napangiti sa kanya si Giesel.

"Syempre maganda ka pa din. Kita mo naman sa sobrang pagkacrush ko sayo sinundo kita. Kalma na.." napangiwing sabi na lang nya sa Ate ko.

Tinawag ni Gale si Giesel. Nang marealize ni Giesel yung sitwasyon ay namutla sya at napakabait na lumapit kay Gale.

"See? Kung hindi ka bumaliktad kay Orange ganito din mangyayare sayo." ngisi ni Gale kay Giesel.

"Mahal ko ang buhay ko noh! Saka sabi mo ililigtas mo ko....A-Anong gagawin ko?" tanong ni Giesel. At nilalabanan nya yung taranta sa sistema nya dahil duguan sina Orange, Johara at Klea.

"Kayo ni Glenn ang magsusugod sa kanya sa hospital gaya ng napag usapan. Sa lagay ni Orange na 'to hindi na 'to makakasurvive." aliw na aliw na saad ni Gale kay Giesel. Nagulat sila ng biglang napadalo si Johara sa nakabagsak sa lupang si Orange.

"T-teka bakit hindi sya humihinga na?!" hilakbot ni Giesel at sinagot sya ni Gale ng isang nakakagagong ngisi.

Napangisi ako at napatingin kay Klea. Parang mamatay na kase sa hirap si Johara habang umiiyak sa tabi ni Orange at Gale.

"Heto ba yung pinag alayan mo ng lahat? Hindi ka pa din nya nakikita." ngisi kong turan kay Klea.

Si Gale na ang humawak kay Johara at pinagtulungan nina Ate na madala sa sasakyan si Orange.

"So! It's my term or your term?" tanong ko kay Gale.

"Ako na muna at finale ka." saad nya kaya tinaas ko yung swiss knife ko sa ere at napangisi sa kanya.

"Or we can do this together?" tanong ko at napaisip sya.

"That's good idea!" sagot ni Gale.

Napatingin ako kay Klea ng tapikin nya yung balikat ni Klea.

"Hold your breath till the end, Either of that two devil can take that away from you." payo ni Cyrll na kinatawa ko.

"I'm not that bad though----isang mag kakamag anak palang yung pinahirapan ko at mas iba pa din yung ginawa mo Cy sa amin. Na sukdulan ipain mo ang mga sarili mong kaibigan kay kamatayan makuha mo lang si Russell." turan ko at natawa ako ng makita ko yung takot sa mga mata ni Klea marahil may idea na sya kung ano kami at yung mga sikreto namin.

Second Color of the Seven (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon