Orange's POV
Napapangiti ako habang naaalala ko yung mga pang aasar ko kay Rhian kanina. Napakapikon talaga. Hindi ako makapagfocus sa meeting namin ngayon dahil naaalala ko yung mukha nyang inis na inis. Nagulat ako ng may pasimpleng bagay na tumama sa pisngi ko. Eraser? Paglingon ko sa gilid ko ay nangingising pagmumukha ni Ashie ang nakita ko.
"I don't get it....kung kailan si Gale na ang may hawak ng distilariya ng mga Flortemante saka kayo nagpasyang mag invest sa amin..." prangkang saad ng bisita namin. Wow! This is the first time though...
"Isa sina Gale at si Hunter sa pinagkakatiwalaan namin dahil sila ang nagligtas sa buhay ng mga apo ko." turan ni Tita Dom.
"Magkaiba po ang negosyo at utang na loob Mrs. Espinosa." turan ni Miranda habang pinapasadahan nya ng basa yung mga offer sa kanila.Napatingin ako kay Tita Dom at parang naaamaze pa sya sa ugali ng Flortemante na 'to.
Mayamaya ay relax na relax nyang binaba sa harap nya yung mga dokumentong inihanda namin. Kung sa akin lang wala akong pakialam kung hindi sya pumayag na mag invest ang Santillan Empire sa kanila kase hindi naman itong negosyo na 'to ang gusto ko."Andrea will never be happy to see me...ex-fling po ako ng manugang nyo." sabi ni Miranda na akala mo wala lang sa kanya ang lahat. Sobrang honest! Napataas ang kilay ko ng hindi nakalagpas kase sa akin yung pasimpleng pag ismid ni Ashie.
Mayamaya ay bumukas yung pintuan at niluwa noon yung mag asawa.
"Ay hayop!" bulaslas ni Yvie ng makita nya si Miranda na nakangisi sa kanya. Si Andrea hindi na maipinta ang mukha. Naupo sila sa tabi ni Tita Dom.
"Bakit ba natin sila pinipilit? Hindi ugali ng mga Santillan ang ganito...makakahanap din tayo ng mga magagaling na winemakers..."untag ni Ashie. She's right. Medyo badtrip pa naman si Ashie ngayon dahil galit sa kanya yung girlfriend nya na ate ni Yvie kaya mababa ang pasensya nya ngayon.
"Yeah! Right? What an adorable attitude from Chua Clan....Ms. Harra really raised you very well but---- not great like her..." nakangising saad ulit ni Miranda na kinatigalgal namin. Mahadera naman ng pinsan ng fianceé ni Gale! Tumayo si Miranda at kinuha yung tatlong bote ng wine na nakadisplay sa may cabinet. At iba iba ang brand na kinuha nya bago kumuha ng tatlong glass wine at hinarap kay Ashie. Napaamaze ako sa paraan ng pagbubukas nya ng wine.
Napangisi muna sya kay Yvie bago nagsalin ng wine sa baso sa harap ni Ashie. Si Andy konti na lang parang makakapanggarote na pero hindi ko alam kung si Yvie o si Miranda yung gusto nyang talupan.
"Gale gave me all the power to decide for this matter Ms. Chua..." at lalong nilapit ni Miranda ang mukha nya kay Ashie na ngayon ay poker face na nakatingin sa kanya.
"Pipirma ako sa dokumentong iyan kapag nasabi mo sa akin bawat ditalye ng pagkakaiba ng mga wine dyan sa harap mo...." nakangising hamon nya kay Ashie.
Walang anu ano ay nilagok ni Ashie ang wine sa harap nya. At ninanamnam nya ng pasimple yung mga wine na nainom nya.
Medyo mahirap ito at nakita ko na may alinlangan sa mga mata ni Ashie.
Kinuha ni Miranda yung dalawang baso na ininuman ni Ashie at inamoy iyon bago napapikit.
"This one is full bodied, young and too herbal notes and the other one is fruity, less tannic and spicy.... and the other one....it range from medium to full bodied, typical zesty and it came from dry to off dry process..."pagdilat ni Miranda ay nakangisi sya kay Ashie.
Wow! ang galing nya sa totoo lang. Malandi lang. I know her very well dahil puro kagaguhan ang pinaggagawa nya sa fourth street. Malakas ang loob nya dahil isa sya sa mga tao ni Cyrll at backer nya si Gale gawa nung girlfriend nito. See, kung hindi ba naman lumakas ang loob mo dahil yung magkapatid ba naman ang kasangga mo.