Rhian's POV
Months just passed at isang buwan na lang manganganak na ko. And we are going to have a baby boy. Sobrang excited namin ni Orange sa pagdating ng anak namin. Ang unang pinundar namin ng hati kami sa gastusin ay mga gamit ng baby namin. Hindi ako pumayag na sya lang kakargo ng lahat para sa anak namin.
Nakakabangon na din si Orange sa career nya at sobrang saya ng puso ko para sa mga achievements nya. Watching the person that important to you grow up to be the person she wanted to be...feeling ko pati sarili kong pangarap natupad na din. Lagi kong pinagdadasal si Orange na magtuloy tuloy na yung pagkamit nya ng pangarap nya.
Naikasal na din kami ni Suha sa harap ng pamilya nya at mga kaibigan namin though masaya pero parang may kulang. Sabagay hindi naman kase kagustuhan ng mga katawan namin ito kundi ng mga magulang nya itong kasal namin. Kaya hindi ko maiwasan na isipin na pilit pa din.
Hindi ko pa din kase sya sinasagot dahil hinihintay ko na sabihin nya sakin yung magic word na ibig kong marinig sa kanya simula ng magstart syang manligaw sa akin, although pinaparamdam nya na importante ako sa kanya at parang gusto nya ko na hindi ko maintindihan eh iba pa din kase kapag namumutawi na iyon sa mismong mga labi nya. Ewan? Marahil kase nagdo-doble na kase yung expectation ko sa kanya dahil sobrang hulog na hulog na ng nararamdaman ko para sa kanya. Yung dating crush to pagkagusto eh napakasaklap dahil mahal ko na sya ngayon.
Feeling ko tama yung prediction ko nung una pa lang....masama ang kababagsakan ko sa pa-fall movement ni Suha. Wala kaseng assurance na makakabalik sa akin yung pagmamahal na ibibigay ko sa kanya.
Bigla kase syang nahati sa pagtupad ng pangarap nya at sa amin ng anak nya uhmm let me scratch that...sa anak pala nya. Sa bagay that was the hard truth....you can never have that two in the same pace. Ngayon palang kase bumabawi si Suha sa mga panahon na nasayang sa kanya noon. Mahaba haba pa yung lakbayin ni Suha para mafullfil nya ang mga pangarap nyang yun.
Di bale...may anak naman ako na magmamahal sa akin kahit ganito at nandito ako para sa anak ko kung sakaling sumablay si Orange ng oras para sa anak nya.
Napatayo na ko ng may nagdoorbell.
Pagbukas ko ng pintuan ay nabungaran ko si Ciello na nakangiti sa akin.
"Are you ready? Let's go?" nakangiting tanong nya at nakangiting tumango ako.
Sya na ang nalock at nagsarado ng maindoor ng bahay. Habang naglalakad kami palabas papunta sa pinagparadahan nya ng kotse eh napaakbay sya sakin.
"I have a surprise for you." turan nya at napatingin ako sa kanya at may nginuso sya sa harap namin.
Nanlaki yung mga mata ko ng makita ko sya.
Si Glenn!
Patakbo itong lumapit sa amin.
Ilang buwan ko din syang di nakita dahil namalagi ito ng apat na buwan sa Berlin.
Agad syang napayakap sa akin kaya yumakap ako pabalik.
"Gosh! Puffy sobrang namiss kita!" saad nya habang yakap nya ko. Paganti na ko ng yakap sa kanya ng tumunog yung cellphone ko. Napatawa kami ni Cielo ng napasimangot si Glenn dahil hindi natuloy yung pagyakap ko sa kanya.
Si Suha.
"Hello?" bungad ko.
"Dumating na si Cielo? I'm sorry I'm not the one to be with you today. Promise babawi ako.."malungkot na sabi nya sa kabilang linya.
"Nandito na yung pinsan mo...ayos lang naiintindihan ko. Magfocus at galingan mo para mabid nyo ng mas maaga ni Giesel yang project nyo. Mamayang gabi kina Dada ako matutulog." turan ko dahil ayokong mag alala sya sa akin habang nasa Singapore sila nina Nube at Giesel para sa pinakamalaking project nilang tatlo. She feel relief na sa mga magulang nya ko makikitulog mamaya dahil wala akong magiging kasama mamaya sa bahay namin dahil may out of town seminar si Cielo at Audrey mamayang hapon. Ngayon nga mukhang si Glenn ang kasama ko sa pagbisita sa putod ng mga magulang ko dahil death anniversary nila ngayon araw.