Giesel's POV
Magakakasama na kaming tatlo nina Kahel at lulan na kami ng isang private plane. Kita mo 'tong si Nube mapupukpok mo lang talaga kapag sa tarantahan na sitwasyon lang! may masasakyan naman pala!
Kausap ni Nube yung mga tao ng tatay nya sa Cebu at sinabing wag magpapahalata o gagawa ng kahit na anong bagay baka mamaya makasalisi na naman yung nagtatago kay Puffy.
Sobrang stress na ng pagmumukha ng kaibigan namin sa totoo lang at nakakapagtaka dahil nararamdaman namin na may ginagawa na sya na hindi namin alam kaya sobra yung pag aalala namin ni Nube sa kanya. Kaya bago pa man din sya magkamali o makagawa ng masama ay ginagawa na namin ni Nube ang lahat para maayos yung paghahanap namin sa asawa nya. Ayaw namin magbago si Kahel.
"We will do everything para mahanap din natin sya Kahel. Umidlip ka muna mukhang bibigay ka na eh." sabi ko.
"Hindi pwedeng mauna si Carol kay Rhian. Ilalayo nya yung asawa ko sakin." turan nya.
Iniangat ni Nube yung kaliwang kamay nya sa ere.
"Kasal kayo, dalawang beses pa. Hindi sya pwedeng makialam. Saka kapag nagkita kita kayo eh hayaan nila yung asawa mo kung kanino ibig sumama."sabi ni Nube.
"Tama! Hindi pwedeng makigulo yung grupo na yun sa inyong mag asawa." dugtong ko pa.
Alam ko kung ano pa yung nagpapahina dito kay Kahel,iyon ay yung pagpipigil nya ng galit nya. We know her since naging classmate ko din naman sya sa Madrid noong high school at lagi na nya kong kasama hanggang sa makauwi dito sa Pilipinas at nakilala namin si Nube.
Napahilot sya ng sentido nya sa sobrang frustration at halata sa kanya na kinakabahan sya sa pagpunta namin ngayon sa Cebu.
"Kailangan nating makipagsabayan sa grupo nina Carol hanggang sa makita natin si Rhian and after that mag eexpand na tayo at next target natin sa Japan." saad nya at talagang fixed na yung mga plano nya. Ibig nya talagang maging malakas. Sa amin ay okay lang never naman kaming pinabayaan ni Kahel kaya kahit anong mangyare mananatili kami sa tabi nya.
Pagdating namin sa Cebu ay inassist na kami ng mga tauhan ng pamilya nina Nube.
Habang nasa sasakyan ay sinabi ng secretary ng daddy ni Nube na parang malakas at makapangyarihang tao din daw ang magtatago sa asawa ni Kahel dahil nakailang lipat daw ang ginawa nito sa Cebu at ng magkamalay daw ito ay naitago din sa isang exclusive resort at ng i-trace down kung sinong may ari. Blangko at ayaw ilabas ang ditalye kahit sa munisipyo ng lugar na yun at after that ng malaman na may nagtatanong sa munisipyo regarding sa resort na yun ay nawala na sila doon.
Mga hayop gagawin pa yata nilang hide and seek itong buong Pilipinas!
Pagtingin ko kay Kahel sobrang binabagabag na 'to at halo halo na yung emosyon sa mga mata nya at mas lamang doon yung galit.
"Tang ina! Papatayin nila sa pagod yung asawa ko!" mahinang turan ni Kahel habang kagat nya yung ilalim na labi nya at namimilog na yung mga kamao nya dahil galit.
Mayamaya ay tumatawag sa Cellphone ni Kahel.
"Ano?" bungad ni Kahel at mayamaya ay nanlaki yung mga mata nya sa takot. Pagkababa ni Kahel ng tawag ay halos tarantahin na nya yung driver na bilisan.
"Anong nangyare?" feeling ko nahahawa na din ako sa pagkataranta at takot nya.
"N-baril yung tao ni Gale na kukuha dapat kay Rhian. Baka napaano na yung asawa ko." saad ni Kahel at anytime parang bibigay na sya sa stress.
Pagkadating namin sa hospital ay halatang nagkagulo nga dito at nagmamadaling bumaba si Kahel kaya napasunod kami sa kanya.
"N-nauhan po kami. Naitakas po nila yung asawa nyo." turan nung inutusan ni Gale at pati yung ilang tao ng pamilya nina Nube ay sugatan din. Napangiwi ako dahil grabe yung dahas na ginagawa nila mailayo lang sa kaibigan namin si Puffy.
BINABASA MO ANG
Second Color of the Seven (GirlxGirl)
Любовные романыLesbian Love Story Santillan Series