31

3.5K 240 27
                                    

Cyrll's POV

Nakasunod kami sa kotse ni Orange, Si Cielo ay nakaconvoy ang sasakyan nya sa likod namin. Nawala yung magkapatid! Sina Glenn at Carol. Parang yung part ng magkapatid yung hindi namin napaghandaan.

"Sino bang ililigtas ko sa mga yan?" saad ng kapatid ko dito sa passanger's seat sa harap habang ako yung nagmamaneho.

"Gusto mong mabyuda si Puffy?" sarcastic kong tanong. Gago talaga! Alangan namang si Klea ang iligtas nya.

Napatawa sya.

"Nakakapikon na kase sila sa loob ng tatlong taon! After talaga nito susunod na ko kina Hunter sa Italy!" turan nya kaya napangiti ako. Pinipigilan ko kase syang umalis na muna dahil hindi ko talaga kakayanin na awatin si Carol.

"Oo na basta makakasunod ka na. Kawawa lang si Puffy. Hindi naman na sya ibang tao sa atin." saad ko.

Napatingin na ko sa paligid. Dapat nandito na si Yvie.

"She's right there." saad ni Gale at turo sa isang abandonadong building at malayo pa ito sa pinagtakbuhan ni Klea. Before magbrownout ay pinapunta ko na sya dito.

Napatingin ako sa tinuro ni Gale at natanaw ko na  nakasipat na sya sa baril na dala nya. Within a second ay napatingin kami sa likod namin na sasakyan ni Cielo. Flat na yung gulong nito kaya napahinto na 'to at kami naman ay binilisan namin.

Nagtawanan kaming magkapatid.

"Hayop na yan pakabagal talaga sa pag asinta eh!" iling ni Gale.

"May sapok pa kay Hunter yan kapag nakita nyang ganyan kabagal syang magpaputok..." natatawang saad ko.

Hindi pwedeng nandoon agad si Cielo dahil magkakaroon ng kapayapaan pangsamantala sina Klea at Orange pero hindi titigil yung mismong gulo.Kaya dapat makita muna nilang lahat yung outcome kapag ganito sila. Hindi nila inayos ang mga ugali nilang mga gago sila. Mga anak mayayaman sila pero wala silang disiplina kaya yung mga gaya nina Puffy ay nadadamay!

"Itong mga spoiled brat na 'to papaluin ko ng sobra 'tong mga 'to. Kahit lunok hindi magagawa ng mga 'to kapag makikita ako ng mga 'to after this night." saad ng kapatid ko. Umiba ako ng daanan at hindi ko na sinundan pa si Orange para malito si Klea dahil ang alam nya sabay kaming dadaan sa expected nyang lugar.

"We have 20minutes bago makasunod si Yvie dito at si Cielo ewan ko lang." saad ko ng iparada ko sa may talahiban yung kotse ko.

Nilabas ni Gale yung swiss knife ng asawa nya at ako naman ay yung paborito kong baseball bat.

"Left foot and right shoulder. Yan lang yung babaliin natin." paala ko sa kapatid ko at napairap sa ere yung mga mata nya.

"You sound like Hunter! Wala sya sa Pilipinas kaya magagawa natin yung mga gusto natin. Madalang 'to." saad nya. Napakamot ako sa gilid ng kilay ko. Dito pa ba kami mag aaway?

"Hindi pwede. Kapag nalaman 'to ng asawa mo ay mabilis pa sa alas kwatrong uuwi ng Pilipinas yun at sabay tayong sasakalin at ang pinakaworst? Tayo ang may bali ng tig isang paa. Kaya nga aalalay tayo kay Carol dahil mabibiling din ang mukha nun ng asawa mo. Kaya sumunod ka na lang." turan ko at parang napaisip na din sya.

"Ang hirap pa man din nyang lambingin.." turan nya.

"Exactly!" anas ko. Alam naman nya hindi pa-sweet na tao yung asawa nya ang lakas pa ng loob nyang magpakaanimal na kilos ngayon.

Nagbigay na kami ng nakakabaliw na introduction sa kanila dati kaya lang parang nalimutan na nila. Kaya ngayon papasukuin namin sila sa nakakabaliw na sitwasyon.

Second Color of the Seven (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon