10

5.2K 301 56
                                    

Rhian's POV

"Puffy!"

Pagkarinig ko sa palayaw ko ay nanlaki ang mga mata ko dahil pamilyar sa akin yun. Pag angat ng tingin ko mula sa paghahalungkat ko sa bag ko ay nakangiting mukha ni Ma'am Aya yung nakita ko. Natigilan din lahat ng mga kasabayan kong maglakad dahil sa gulat sa naghihintay sakin dito sa may Lobby.

"Hala! Ma'am ano pong ginagawa nyo dito?" nataranta ako dahil nakakahiya mukhang inantay nya talaga ako dito sa lobby.

Nagsalubong ang mga kilay nya. Napalunok ako dahil ngayon ko napansin na magkamata at magkakilay sila ni Suha.

"You called me Ma'am?? In law mo ko...Kami na ni Max ang mga bagong magulang mo. Ma'am pa din?" taka at tampong tanong nya. Bigla akong nakonsensya dahil parang nalungkot sya dahil doon. Confirm! Sa kanya talaga nagmana si Suha! Ang lakas nila sa lahat! Mang dedma, mangonsensya at kung anong maipilit!

Napalunok ako at naglakas loob akong ngumiti.

"S-Sorry po D-Dada..." nahihiyang turan ko.
Ngumiti sya sakin at parang naglinya yung singkit nyang mga mata. Kamata talaga sya ni Suha. Singkit na ang haba ng pilik mata at natural na nakatikwas na.

"Makakasanayan mo din na kami na yung kasama mo. Wag kang maiilang na magsabi sa amin huh. Anak ka na namin." nakangiting saad nya at ewan parang hinaplos ang puso ko dahil doon. Feeling ko mahihirapan akong humiwalay kay Suha kapag ganito kalambing ang mga magulang nya sakin. Tama naman kase sina Audrey at Glenn sa devorce din ang kahahantungan namin ni Orange.

Habang nasa loob kami ng sasakyan nya ay sabi ni Ma'am Aya sakin na pinasundo ako ni Suha sa kanya. Hindi na nahiya ang hayop na Suhang yun at talagang nagawa pa nyang utusan yung nanay nya sa pagsundo sakin talagang ang galing! Akala ko dati puro buto lang laman ng ulo nya akalain mo yun may pulp pala? Kapika!

Pagkarating namin sa isang mamahaling resturant ay nandoon na sina Suha at yung Mommy nya. Nakipagbeso ako kay Ma'am Max pero hindi kay Suha dahil may kasalanan sya sakin at napakaarte nya.

Nakita ko yung pasimpleng pagikot ng mga mata nya sakin. Hudas!

"Patay ka sakin pag uwi." bulong ko sa hangin.
Napalingon ako ng napatawa sina Ma'am Aya. Napangiwi ako dahil mukhang narinig nila.

Katapatan ko ng upuan si Suha dahil katabi ko ay yung Dada nya at sya naman ay yung Mommy nya. Biglang kumabog yung dibdib ko ng dumating yung mag asawang Ricafort. Napatayo ako para salubungin sila. Alam ko nasa Berlin si Sir Alejandro eh.Nagmano ako sa mag asawang bagong dating.

Parang naluluha si Ma'am Monique habang nakatingin sa akin. Kase expected nya na kay Glenn ako maikakasal. Naupo kami at halos nasa gawi na ko ng mag asawang Ricafort na wari bang ayaw nila talaga akong ibigay sa mga Santillan.

Hindi rin ako makakain ng maayos. Mga nagbabatuhan kase ng mga tingin sina Ma'am Aya at yung Daddy nina Glenn ng nakakatakot na tingin.

Napatingin ako sa plato ko na puno ng pagkain dahil si Suha ang naglagay nito. Sobrang kiber ni Suha sa nangyayare.

"Jusko makukunan ako sa mga 'to..." bigla kong nai-voice out. Natigilan sila at parang nagpanic sila sa sinabi ko lalo na si Suha. Sa lahat talaga sya yung gusto kong sapukin eh! Pakalakas mang away!

"Planado 'to noh Aya? Ayaw mo talaga kay Carol...kilala kita." turan ni Sir Alejandro na kinataas ng kilay ni Ma'am Aya at syang kinatahimik namin.

"Bintangero masyado huh? Binusted ko lang yung bestfriend mo pati ikaw super bitter na din sakin." malditang saad ni Ma'am Aya na lihim na kinangiti ni Suha pero inirapan nya ko ng makita nyang nakatingin ako sa kanya. Pitikin ko sya sa mata eh! Impaktita sya!
Pero teka? Bestfriend? Daddy lang ni Shann yung bestfriend ni Sir Alejandro.

Second Color of the Seven (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon