30

3.5K 245 28
                                    

Nube's POV

Gusto kong umatungal ng iyak dahil ang gago ko! Papatayin talaga ako ni Kahel!

Si Jaune hind na umiiyak at nakatingin lang sya sa Mommy nya na walang malay na akay ng tauhan ni Shann. Tapos si Shann chill lang habang nagtetext. Naliliyo ako! Ang laki ng pagkakamali ko.

"Mommy okay?" nagawa pang itanong ni Jaune sa akin habang may pagkulong pa sa mukha ko gamit ang dalawang maliliit na palad nya.

"O-Oo naman..." at gusto kong sundan ng isang malakas na atungal yun sa totoo lang kase ako yung hindi magiging okay!

Para din itong si Kahel basta may matanaw lang na mahal sa buhay eh lumalakas ang loob! Sobrang saya nya ngayon habang karga ko.

Pagpasok namin sa isang unit ay agad hiniga si Rhian sa isang bakanteng kama. Nagpaalam yung dalawang umakay kay Rhian kaya naiwan na kami dito.

"Let him go...Hayaan mo syang makalapit sa Mommy nya." saad ni Shann at sa taranta ko sa takot sa kanya ay binaba ko nga si Jaune.

Napatingin si Jaune kay Shann na wari bang kumukuha ito ng pahintulot. Ngumiti si Shann sa kanya. "You can go to your Mom..." at tuwang tuwa si Jaune na pumasok sa silid na pinaglagyan kay Puffy.

"Sagot ka namin...hindi ka mapapatay ni Orange." ngisi nya.

"P-pwede bang maupo? Nahihilo kase ako sa mga pinagsasabi mo. Hindi nyo pa talaga kilala si Orange." sabi ko na dahan dahan napaupo sa sofa. Tawang tawa syang nakatingin sa akin.

"Hina ng loob nito eh! Kami nga nakikipagpatayan at nabaril na ko sa balikat ng kaibigan ko. See? lumakas lalo ang loob!"saad nya na kinasalubong ng mga kilay ko.

"So para lumakas ang loob ko ay dapat magpabaril din ako kay Orange? Tutuluyan nya ko dahil sa pagkakamali ko na 'to! Bakit ganito?"iyak ko.

Hindi nila kilala si Orange eh!

Naupo sya sa katapatan kong sofa.

"Mahina kase si Orange kaya napagpasa-pasahan yung asawa nya. Nasa paligid lang kami at pinanuod kayong lahat. Pero muntikan ng makuha ni Glenn gamit yung mga tauhan ni Gale that night ng maaksidente si Puffy kaya lang nagulat kami nina Cyrll na makikipagpatayan talaga yung pamangkin ni Ma'am Russell ng harap harapan sa amin makuha lang si Puffy. Sobra talaga pagmamahal nun kay Johara talagang gagawa sya ng nakakabaliw na bagay sumaya lang 'to." saad ni Shann na kinahinto ko.

"Ano? Hindi lumabas sa investigation nyo ang mga bagay na yan? Kayo kayo ang magkakasama dati nung si Orange at Johara pa ah! Hindi nyo nahalata na may gusto si Klea sa kanya?" takang tanong ni Shann sa akin na kinatigalgal ko. K-kaya pala....

Kaya pala kapag nag aaway yung dalawa dati ay never pumanig si Klea kay Orange. Pero kung tutuusin dapat kay Orange sya pumanig dahil pinsan nilang pareho si Cielo!

"Titingnan lang namin na magpatayan sina Orange, Klea at Johara ng hindi nadadamay sina Puffy at Jaune. Mahal ni Carol si Puffy na parang kapatid kaya hindi sya hihinto hangga't hindi nadudurog lahat ng may gawa sa kanya nito."saad ni Shann.

Ang galing! tang ina napaikot kami nina Cyrll ng ganito. Talagang ginawa lang nila ang lahat para magtagpo ang lahat ng characters nila sa iisang lugar para magdalihan at magmumukha silang walang alam sa nangyare!

Sa mga oras na 'to malamang nagsisihan na sina Orange at Klea dahil sa pagkawala na naman ni Puffy. Orange and Giesel knew that Cyrll was on their side all the time kaya hindi sila magdududa at sobrang executed ni Giesel yung mga plano nya gagawin ng grupo nila. Wala talagang maghihinala.

"That's how we worked." ngisi ni Shann.

Klea's POV

"Ma, Why always like this? Mas kaya ko syang ingatan kaysa kay Orange." naiiyak ako dahil hindi ako makita ng mahal ko sa lahat ng effort at pagsisilbi ko sa kanya.

Second Color of the Seven (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon