Orange's POV
Napabuntong hininga sya habang nakasiksik sa akin at nakadantay sa tyan ko yung kanang kamay nyang may benda. Ngayon nya nararamdaman yung sakit ng sugat nya. Dinala namin sya sa hospital ni Dada kanina at tama yung hinala namin na tatahiin ito. Ang lalim kase.
"Banned ka daw muna sa kusina sabi nina Dada...." turan ko at nagpalobo sya ng pisngi nya dahil hindi sya makareklamo sa akin na masakit yung sugat nya.
Kasalukuyang nakaupo kami sa may couch dito sa loob ng kwarto ng anak namin. Natutulog ngayon si Jaune sa may crib nya. Wala kase sina Dada at nagpaalam na sasaglit sa Santillan Empire dahil may nakalimutan sila na mga papeles tapos nagpapasama si Mommy kay Dada sa grocery after nilang sumaglit sa office.
Biglang may pumasok sa isip ko.
"Tatawagan ko pala si Giesel dahil sya yung makikipagmeeting sa mga Singaporean investors namin." patayo na ko ng pigilan nya ko ng kabilang kamay nya.
"Kunin ko na lang yung phone mo..." nilalabanan nya yung taranta nya at medyo nalungkot ako dahil ayaw nya talagang maiwanan na mag isa dito sa silid ng anak namin.
"Hindi naman pwedeng dito ako makipag usap sa cellphone magigising ang anak mo. Saglit lang ako promise...huwag mo syang iiwan huh? Hindi maririnig ng mga kasambahay kapag umiyak sya." turan ko at tumayo na ko. Pagtingin ko sa kanya parang problemado sya na hindi nya maintindihan.
"Babalik ako promise...kakausapin ko lang si Giesel." turan ko bago ako humakbang palabas ng kwartong iyon. Nagmamadali akong nagpunta sa silid nina Dada at binuhay ang monitor para tingnan yung kuha ng cctv na nasa loob ng kwarto ni Jaune.
Nakagat ko yung ilalim na labi ko dahil halos nakasiksik na ng upo si Rhian sa sofa na pinag iwanan ko sa kanya.
Sobra panlulumo ko. Sobrang sakit sa akin na makita na nagkakaganito ang asawa ko. Napakacheerful na tao nitong si Rhian kaya lahat kami nasasaktan na nagkakaganito sya.Kaya ganito ang ginagawa ko dahil kailangan nyang maging aware sa existence ng anak namin, na hindi nya pwedeng katakutan ito. She told me everything she wanted for our son in the future. Gusto nya itong alagaan at mahalin na kagaya ng pagpapalaki sa kanya ng mga magulang nya. Kaya halos mayanig ako sa epekto ng depression sa kanya after nyang manganak.
Napaupo ako ng maayos ng napatayo sya dahil nagising si Jaune at umiiyak. Nataranta sya at hindi nya malaman kung lalabas ba sya ng silid na yun o dadaluhan nya yung anak namin. Sa ibang anggulo ng cctv ay kita mo ang pagkuyom ng kamao nya habang kagat nya ng mariin ang labi nya. She was shaking while walking toward to our son's crib. Nang makalapit sya dito ay natigilan sya at pumikit habang iyak ng iyak si Jaune. Nang napamulat sya ay dahan dahan nyang iniangat yung isang kamay nya at yumukod sya palapit kay Jaune. Pigil ko ang hininga dahil parang lumalim ulit yung iniisip nya.
Napatayo na ko at naglakad pabalik ng silid ng anak namin. Dahan dahan akong pumasok ng hindi nya namamalayan.
Tahimik syang umiiyak, parang hinaplos ang puso ko dahil maingat nyang hawak yung isang kamay ng anak namin na ngayon ay nakasibi na ang mga labi at parang nakikiusap ang mga mata nito sa nanay nya. Feeling ko nagpapakarga sa kanya yung anak namin. Kilala sya ni Jaune.
"I~I'm sorry----I~I~" nangangatal na turan ni Rhian bago huminga ng malalim ngunit kasabay noon ay impit na iyak nya. "I~ don't deserved the both of you..."
And right there, Parang may sampung tao yung pumiga ng puso ko. Halos mawalan ng lakas yung mga tuhod ko. Kaya ko yung sakit kung para sa akin lang ito pero kapag silang dalawa na ng anak ko yung nasasaktan? Tang ina! ewan ba kung hanggang kailan ko kayang ipakita sa mga magulang ko na malakas ang loob ko dahil sobrang panlulumo ko na sa nangyayare sa pamilya ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/219140840-288-k954907.jpg)