Rhian's POV
Hindi na ko nagpaalam sa kanya na uuwi ako ng Pilipinas. Bahala sya kasal lang naman kami sa papel. At dalawang araw akong hindi pumasok dahil sa sama ng pakiramdam ko.
Kaya nung nagkita kami habang kasama ko si Carol bago ito nagtungo ng Australia noon nang nagpalibre ako ng icecream ay pasimple ang masasamang tingin at irap sa akin nun ni Orange. Sobrang worried ng hudas na sabihin ko kay Carol ng sitwasyon ko! Kahit patagong suporta lang sa akin habang dinadala ko yung anak nya ang gusto ko noh at wala akong balak na sirain yung buhay nyang suplada sya!
"Puffy!!" masayang sigaw ni Carol na kinagulat ko. Lintik na 'to ang hilig laging manggulat!
Nang makalapit sya sakin ay yinakap nya ko. Napangiti ako.
Mayamaya ay may binigay sya sakin na paper bag.
"Pasalubong ko sayo..." sabi ni Carol at sobrang ningning sa saya ng mga mata nya huh!
"Nakascore ka noh?" tanong ko at nakangisi ako habang tinitingnan ko yung bigay nya. Wow! Puro chocolate. Kaya mahal ko itong si Carol dahil mas may katinuan sya kaysa sa kapatid nya na kulang na lang maging mangkukulam at majikero ako mangyare lang lahat ng nasa saisip nya.
"Sira ka.." sagot nya at talagang nakakainis yung mga mata nya sobrang daydreaming.
Akbay nya ko hanggang sa makapasok kami sa elevator.
"Ganda ng designer sa Australia noh?" nang aasar kong sabi. At ang lintik ngiting ngiti at tumango. Mayamaya ay nangunot ang noo nya at napahawak sa kamay ko.
"Is this a wedding ring?" tanong nya na kinaestatwa ko.
"H-hindi ah! Napulot ko sa US sayang kung itatapon ko lang.." pagsisinungaling ko.
"Hubarin mo yan baka hindi ka makapag asawa." sabi nya na kinangiwi ko ng lihim. Nakakakonsensyang magsinungaling dito kay Carol dahil never nagsinungaling sa akin ito kahit masaktan ako eh.
"Next time... isasangla ko mukhang mamahalin eh..." natatawang sabi ko at napasimangot lang sya.
Pagpasok namin sa opisina ng Mommy nya ay nadatnan na namin doon si Glenn at si Ma'am Monique na nag aalmusal. Binati ko sila. Hinila na ko ni Glenn sa tabi nya at binigyan ako ng pagkain. Si Carol naman ay naglambing sa Mommy nila. Sobrang saya talaga ng demonyita! Nakahalabira talaga 'to! Iba ang ngitian eh!
"Kamusta pakiramdam mo?" tanong ni Glenn sa akin.
"Masama pakiramdam mo Puffy?" nag aalalang tanong ni Ma'am Monique.
Sasagot sana ako ng humirit si Glenn.
"Mommy you should lessen the paper works for Puffy...She's pregnant." kapag dakang amin ni Glenn sa sitwasyon ko! Hayop na 'to ang tabil talaga ng bibig!
Natigilan sila ni Carol at hindi makapaniwala.
"D-dont tell me....nung biniro kita last time sa icecream house buntis ka na non?" tanong ni Carol at tumango ako.
"Sinong ama ng baby mo Puffy?" tanong ni Ma'am Monique.
Natuyuan ako ng lalamunan. Kailangan kong magsinungaling dahil alam kong magliliyab sa galit yung hinayupak na Suha na yun!
"N-nalasing po ako that night....hindi ko po..." natigilan ako dahil ang hirap talagang magainungaling sa pamilyang 'to!
"Okay I understand you Puffy...don't worry tutulungan ka namin regarding sa pagbubuntis mo. Pamilya ka na namin. Parang anak na kita kaya kapag may kailangan ka o katanungan ka regarding sa pagbubuntis ay wag kang mahihiyang lumapit sa akin huh? Magtatampo ako sayo...kung sa mansyon ka na lang kaya mahirap kase mag isa ka lang sa unit mo." mungkahi ni Ma'am Monique at doon ako napaluha. Arggh. Nakakainis kang hayop kang Suha ka dahil sayo natuto akong magsinungaling!