Rhian's POV
Kritikal? Comatose? Baldado?
Bwiset na Shann yan! Kainis bakit nagpadala ako! Heto si Orange sa hospital at ang sarap ng tulog! Binti lang nya ang may sugat at may ilang galos at sugat lang sya sa mukha! Lahat ng panic kwento nya kaninang umaga walang tumama pagdating ko dito! Tapos agad nya kong iniwan pagkahatid nya sa amin!
Gusto ko ng makauwi dahil feeling ko nasasakal ako sa mga bagay na hindi ko maintindihan na nangyayare sa paligid ko. Sobrang daming tanong na ang tumatakbo sa isip ko sa totoo lang. Gusto ko ng makausap si Klea. Everything she said to me is true except Orange. Kaya hindi ko malaman kung kanino sa mga kaharap ko ngayon kung sino ang totoong nagmamalasakit sa akin at nagsasabi ng totoo. Klea can answer that to me. She's the only one that I can trust so much dahil wala syang pinakitang masama sa akin at minahal nya ko na gaya ng sa isang kapatid.
"If I made a mistake in the near future...would you forgive me? Hindi ko din afford na mawala ka sa akin." nakangiting tanong nya pero may lungkot sa mga mata nya.
"Oo naman. Masamang nagtatanim ng galit Klea. Kung ano man ang mangyare don't be afraid lilingunin kita." nakangiting saad ko.
"Baba okay?" natauhan ako sa tanong na iyan.
Nakakandong paharap sa akin si Jaune dito sa isang sulok at panay tanong nya sa akin tungkol sa Baba nya!
"Ayos lang sya Jaune...buo pa bituka ng Baba mo..." pinigilan ko yung sarcastic tone ko dahil bata naman itong kausap ko. Napatingin sya sa akin na hindi nya maintindihan kung anong ibig sabihin nun. Nakakagigil kase yung pagiging sinungaling ng Orange na 'to. Hindi dapat Orange pinangalan sa hayop na 'to eh!
Mayamaya ay bumukas yung pintuan at niluwa noon ang isang doctor. Parang nagulat ito ng makita ako sa isang sulok at nakatingin sa batang hawak ko.
"Wui! Puffy long time no see!" masayang bati nya na kinanuot ng noo ko.
"Puffy?" mahinang anas ko.
"She can't lemembel Tita Yuli..." kanda bulol na saad ni Jaune at mostra sa hangin kaya napatawa yung duktor.
Sinara nung duktor yung pintuan at nakatayo na sya sa harap namin bago pinamulsa nya yung mga kamay nya sa magkabilang bulsa ng medical coat nya. Nakangiti syang nakatingin sa amin ni Jaune.
"Can you join me to look after your Baba?" nakangiting tanong nitong duktor. Pero imbis na bumaba sya sa kandungan ko ay yumakap pa sya sa leeg ko. Sa totoo lang hindi ko malaman sa sarili ko kung saan ko nakukuha itong lakas ng loob na labanan yung taranta at takot ko. Sobra alalay ko sa pagtayo baka kase mapaano itong batang buhat ko. Sobrang nakakatakot magkamali kase baka masaktan ko sya.
Nagcheck yung duktor kay Orange habang tahimik kaming nakatayo sa tabi nya.
"Your Baba is doing great! Wala na syang lagnat at anytime magigising na sya Jaune." nakangiting baling nung duktor sa amin at pinisil nya yung pisngi ni Jaune. Mayamaya ay bumukas yung pintuan, Si Shann at mukhang umuwi sya para makapag ayos ng sarili.
"Hon, Tapos na yung shift mo uwi na tayo...Inaantay na tayo ni Ishan kina Mommy." sabi nya doon sa duktor. Okay lalo akong naconfuse sa paligid ko. Magkakakilala sila at parang iisang sirkulasyon lang sila kahit sina Klea.
"Kakausapin ko lang sa office si Puffy. I have something to discuss with her." nakangiting tugon nito. Wala sa loob ko na pakawalan ko si Jaune ng abutin ni Shann sa akin si Jaune.
"Let's go." at wala sa loob ko na pasunod ako sa kanya.
Pagkapasok ko sa opisina nya ay namangha ako sa luwang nito at may malaking portrait nilang mag anak. Sya yung may ari pero bakit ganito parang normal na duktor lang sya na sya mismo yung nara-round.
BINABASA MO ANG
Second Color of the Seven (GirlxGirl)
Любовные романыLesbian Love Story Santillan Series