Nagpupungas ako sa higaan. Hindi ako maka-tulog dahil sa daming pumapasok sa'king isipan. Pinipilit ang mata'y isarado, pinilit matulog, nagbabakasakaling nanaginip lang ako. Bumangon ako at nagpasiyang mag-pahangin sa labas.
Nakaupo sa pino't puting buhangin, pinagmamasdan ang tulog na ulap sa likod ng mga kumikinang na bituin, pinapakinggan ang tila'y walang sigla na hampas ng alon sa dalampasigan.
Ang aking isip ay binabaha ng mga salitang hindi mailabas, ako'y nasa lugar na ayaw ko. Sa lugar na lahat ay tunay. Sa lugar kung saan walang madla. Sa lugar na malaya at walang nakakakita ng tunay na nadarama. Nang makaramdam ng lamig nagpasiya akong pumasok na.
Nasa kalagitnaan pa ako ng final semester namin sa second quarter, at sa kamalas-malasan na expelled pa. At ito nag-transfer na naman ulit ako. Ito na ang ika-pitong beses kong lipat ng paaralan.
Malapit na ang pagtatapos ng semester at bakasyon na. Nag-iisip ako kung anong puwedeng gawin sa parating na bakasyon gayung wala pa akong kakilala rito, at malayo ako sa mga naging kaibigan ko sa Manila.
KINABUKASAN napabalikwas ako sa hinihigaan ko.
“What the heck!”
“Bumangon ka na riyan at ihahatid kita sa bagong paaralan mo! Akala mo maloloko mo ako? Alam kong hindi ka pumunta kahapon sa paaralan mo!” saad ni lola saka pumunta sa kabinet para kumuha ng masusuot.
“Alam mo pala ey, bakit hindi mo ako pinigilan?” nakasimangot na tanong ko kay Lola.
“Pinagbigyan lang kita.” nakangising sagot nito sa'kin.
“Eh, lola kaya ko namang pumasok mag-isa!” pagmamaktol ko.
“Hmp! Hindi na 'yan bebenta sa akin! Tumayo ka na r'yan! Kung ayaw mo ako ang magpaligo sa'yo!” pagbabanta ni Lola sa'kin bago tuluyang pumasok ito sa banyo.
Bumaba ako ng sasakyan saka tumingala at binasa ang pangalan ng paaralan.
“ACT? Seriously Lola?” reklamo ko kay Lola.
Dati ay naririnig ko na ang paaralan na ito mula sa mga kaklase ko. Marami na akong naririnig ng mga kababalaghan sa paaralan na ito. Minsan ko pa narinig na may nagpakamatay daw na estudyante rito. Sabi nila kaya nagpakamatay ito ay dahil sa bagsak na grado, 'yong iba naman sabi ay family problem, 'yong iba naman ay tungkol sa love life kaya ito nagpakamatay.
Nagpaparamdam daw ito tuwing Wednesday at Friday ng hapon sa may banyo ng 7th kung saan daw naganap ang pagpakamatay ng studyante. Iba't- iba ang naririnig ko tungkol sa paaralan na 'to. Minsan hindi ko na alam kung ano ang totoo at sa hindi dahil sa daming naririnig ko.
Noong una wala akong pakialam sa mga naririnig ko dahil hindi naman ako nag-aaral dito, pero ngayon na nakatayo ako sa mismong paaralan ay parang gusto ko nang kumaripas ng takbo pabalik ng Manila.
“Bakit hindi? Sa paaralang ito ka nababagay at saka mababait ang mga guro rito. Lahat ng mga teachers dito ay very approachable, hindi tulad sa mga previous school mo.” paliwanag sa'kin ni lola.
Sumimangot nalang ako saka nagsimulang maglakad. Hindi paman nakapasok ay bigla akong napatigil dahilan para magulat ang Lola ko. Batay kasi sa pinta ng building nito ay makaluma na't nakakatakot tingnan.
BINABASA MO ANG
Summer 2013
RomancePublished date: July 9, 2020 Finished: August 31, 2023 "You deserve a love that always feels like summer." Henziel Celino Gonzaga graduated from high school with no plans for her vacation. So, she went with her grandmother to Mindanao for a Communit...