Kabanata 17

93 55 11
                                    

I saw him again but the difference is that he didn't know me at all. And by that I choose to walked away  again. I decided to let him go and go back to where I am supposed to be. Sa lugar na walang Davis at ako. Sa lugar na ako lang.

Sunday morning I woke up early to clean my apartment. Since linggo naman at mamaya pang ala una ang lakad namin nina Charah at Charice. Three weeks had passed since I saw Davis woke up from comatose for the passed seven years.

Aaminin ko sa kaunting oras na nakasama ko si Davis ay naging masaya rin naman ako. Naranasan ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Naranasan kong kiligin. Naranasan kong magmahal. Natutunan ko ang salitang pagmamahal dahil kay Davis. Natutunan kong maging mas matapang pa.

Hindi naging maganda ang huling paghihiway namin ni Davis, dahil na siguro nadala ako ng sarili kong emosyon. I was hurt. I was. Pakiramdam ko sa mga oras na 'yon para akong kinakalaban ng tadhana. Kung kailan naman balak kong ayusin ang buhay ko saka pa may ganoong eksena.

Pagod na akong maiwan ng paulit ulit pero heto akong si martyr naghahanap't nanglilimos ng pagmamahal. Pagmamahal na kailan man hindi maibibigay sa'kin ni Davis, kasi hindi ako siya. Hindi ako siya para mahalin ng buong buo. I am just his summer.

Naligo't kumain ako bago naglinis ng apartment dahil mamayang after lunch pa naman kami magkikita nina Charah and Charice. Matapos kong gawin ang dapat kong gawin ay nagtimpla ako ng kape at saka pumunta sa harap ng bintana ko.

Nakatayo akong nilalanghap ang hangin habang may hawak na kape sa kanang kamay ko. Pinikit ko ang aking mga mata, sa pagpikit ng mga mata ko ay rumehestro ang imahe ni Davis, hindi ko alam kung bakit bigla bigla na lang siyang pumasok sa isip ko.

Minulat ko ang mga mata ko ngunit gano'n na lang ang gulat ko nang makita ng dalawang mata ko, ang nakangiting Davis na ngayon ay nakaupo na sa bintana ko.

Napakurap ako sa nakita ko, hindi ko malaman kung magsasalita pa ba ako. Kinukusot ko ang aking mga mata para siguraduhin na siya nga ang nakikita ko ngayon. Pero gano'n na lang ang panindig ng balahibo ko nang makitang wala ni anong Davis sa bintana.

Tanging malalamig na haplos na hangin ang sumalubong sa'kin. Sa takot ko, agad kong sinara ang bintana. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, may halong takot't kaba.

Umupo ako sa kama habang nakatingin sa bintana, nakatitig ako roon at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, bigla akong nanlamig, kumakabog ang tibok ng puso ko. Nasa gano'n akong sitwayson nang biglang tumunog ang phone ko.

“H-Hello?” nauutal kong sagot sa kabilang linya, hindi ko nagawang tingnan kung sinong caller.

“Woi! Henziel Celino Gonzaga! Pakibuksan ang pinto!” napatingin ako sa caller kung sino ito.

Si Charice lang pala, kung makasigaw naman 'tong babaeng na'to parang wala ng bukas!

“O-Oh, ito na!” binaba ko ang tawag saka pinagbuksan sila.

“Salamat naman at pinagbuksan mo na kami! Kanina pa kaya kami katok ng katok dito! Akala namin walang tao! Nandito ka lang pala sa loob, bruha ka!” sigaw sa'kin ni Charice.

“Puwede ba! 'Wag kang sumigaw!” saway ko kay Charice habang si Charah naman busy sa phone, ngumingiti parang kinikilig.

“Oo na! By the way hindi tayo lalabas ngayon.” nakangiting sabi sa'kin ni Charice.

“Kaya nandito kayo ngayon? At anong nangyari diyan? Ngiti nang ngiti daig niya pa ang nanalo sa luto!” tanong ko kay Charice.

Nilapag namin sa sahig ang mga pinamili nila saka umupo na rin.

Summer 2013Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon