Kabanata 2

147 90 3
                                    

“Mama!” Napabalikwas ako nang maalala ko kung anong nangyari kay mama.

Nangingilid ang mga luha ko nang balikan ko ang mga alaala ni mama bago siya tuluyang pumasok sa kotse na 'yon.

Nagising ako nang may maaalala ang liwanag na sumalubong sa akin noong unang labas ko sa sinapupunan ng aking ina. Ang unang iyak ko, unang gapang sa sahig, unang paglakad, unang pagtakbo, unang pag-ngiti, unang beses na nakaramdam ng kasiyahan, kalungkutan. Lahat ng iyon ay naging klaro sa aking isipan.

Binuksan ko ang bintana at inamoy ang sariwang hangin sa labas. Ramdam ko ang mahalimuyak na hangin mula sa mga bulaklak. Pumikit ako at inamoy ang napaka-sarap na hangin na dumapo sa aking balat. Ang bawat huni ng mga ibon sa paligid at ang kumpas ng mga pakpak ng paru-paru habang sumasayaw sa ibabaw ng bulaklak.

Hindi ko alam kung dapat ba maging masaya ako o malungkot. Masaya dahil ngayon lang ako nakakaramdam ng mapayapa at tahimik. Malungkot dahil pakiramdam ko nag-iisa na naman ako ngayon.

Bumaba ako at nakita ko ang lola ko, masigla ko itong sinalubong saka umupo at kumuha ng makakain.

“Magbihis ka't maligo” panimula ng Lola ko habang humigop ng kape.

“Bakit ho?” tanong ko.

“Anong bakit? May pasok ka at gusto kong samahan kita.” nakangiting saad ng lola ko.

Hay, she enrolled me again.

“Lola, sanay na akong pumasok mag-isa besides hindi na ako bata 'no!” nakasimangot kong sagot rito.

Ever since my mom die I learn to be dependent. My dad got a new family. I was alone. Alone enduring the pain. I was alone conquer all the pain. I was abandoned by my own father. Mas pinili niya ang bumuo ng bagong pamilya kaysa  sa'kin na anak niya.

I was left being alone. No one knows how I want to disappear. No one knows how painful I am. In how many times I got to expelled? Two? Three? Four? Six? times? Para mapansin niya lang ako? But I have my lola who accepted my flaws, I really love her and I'm  thankful for that. I just want a simple life with my father but suddenly he wants a better life without me.

Nakaligo na ako at lahat-lahat bago nagpasiyang bumababa.

“Lola I'm going!” masigla kong sambit sa Lola.

“Okay,” nakangiting sagot ko. “Hindi mo ba ako bibigyan ng pera, lola?” nakangusong tanong ko kay Lola.

“Para saan?”

“Pambili ng bagong uniporme, Lola!” pagsisinungaling ko.

“Talaga? Oh, ito!” nakangiting sagot nito sa'kin.

Agad ko itong tinanggap at kumaripas na nang takbo palabas ng bahay.

“Make sure you'll buy the uniform!” rinig niyang sigaw ng Lola niya.

Nang makalabas na ako ay kaagad akong pumara na ng taxi hindi papuntang skwelahan kundi sa mall. Ang alam ko ay ngayon na magrere-release ng bagong album ang Jadine. Ever since na lumabas ang Jadine ay naging fan na ako ng mga ito. Stress reliever ko ang Jadine. Minsan pa akong napapagalitan dahil nag-cut ako ng klase para makapunta lang sa meet and greet ng mga nito.

Summer 2013Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon