Kabanata 8

123 84 6
                                    

Pasado alas dos na ng tanghali nang magulat si Henziel na may tumalon mula sa kan'yang bintana.

“A-Anong ginagawa mo rito?” nauutal niyang tanong kay Davis na ngayon ay nakasuot pa ng sombrero.

“Ayan! Bumabalik na nga ang kasungitan mo. Gusto ko 'yan kaysa nakikita kitang umiiyak.”

“Whatever! Ano bang ginagawa mo rito?” inis ko siyang binigwas ng kumot at bumaba sa kama.

Napansin ko rin ang biglang pag-iwas niya ng tingin. Napanguso naman ako sa inasta niya, akala niya siguro wala akong damit.

Napansin niya sa gilid ng kan'yang mga mata na panay sulyap ito sa kan'ya.

“Relax, natuto na akong mag-damit dahil sa isang manyakis pumasok sa kuwarto ko!” nakangiting saad ko sa kan'ya habang umigting naman ang kan'yang panga.

“What? May sasabihin ka ba?” tanong ko kay Davis.

“Wala. Ikaw may itatanong ka ba?” tanong pabalik sa kan'ya.

“Oh, great! Thanks for reminding me!” masigla kong sabi rito saka tinali ang mga buhok ko.

“Kailan magsisimula ang pagtuturo sa mga bata? At saan ito gaganapin?”

“Ngayon na ho ang simula, ma'am. At sa kabilang bayan po tayo mag-tuturo.”

“Wait a minute. Tayo? K-Kasama ka? At ano namang ituturo mo sa kanila, aber?”

“Hala siya! Minaliit mo yata ang isang Davis!” pagmamalaki niyang sabi sa akin.

“Kung ang ituturo mo ay kung paano maging manyakis ay huwag mo nang gawin dahil hindi ka mabuting ihempol sa mga bata!”

“Ay hala siya grabe naman 'tong makapagsalita! Tuturan ko sila kung paano lumangoy, uy! Ang dumi naman ng iniisip mo, miss!” pang-aasar niya pang sabi.

“Okay ka na? Baka puwede ka munang lumabas at maliligo muna ako?” sabi ko sa kan'ya.

Ang daming kuda kay lalaking tao.

Aalis na sana ako para buksan ang pinto. Kailangan ko ng maraming lock para sa bintana at sa pinto ko para hindi na ito makapasok nang basta-basta sa kuwarto ko.

Aba namumuro na siya kapapasok sa kuwarto ko. Paano nalang kapag naabutan niya akong nagbibihis? Jusmeyo!

“Teka,” sabay hablot niya sa akin,  napatingin naman ako sa kan'yang kamay na nasa pulupulsuhan ko na agad din niyang binitawan.

“What?” taas kilay kong tanong sa kan'ya.

“Iyon lang ba? Wala ka bang ibang sasabihin?” pagtatakang tanong ni Davis aa kan'ya.

“Wala na. As if naman interesado ako sa buhay mo. Di katulad ng iba d'yan!” pasiring kong sabi sa kan'ya at tuluyan nang binuksan ang pinto.

Guwapo siya at may apel talaga. Mukhang playboy notorious version ng probinsiya. Ayaw ko sa mga gan'yang tipo. He's not my type.

“Kunwari ka pa. Type mo naman talaga ako. Huwag ka ng mahiya sa'kin, okay lang 'yan, hindi rin kita type 'no! Suwerte mo naman!” pang-asar na sagot nito sa kan'ya dahilan para batuhin ito ng unan.

Summer 2013Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon