Kinabukasan nagtungo kami ni Lola papuntang Mindanao. Ang probinsyang kinalakihan ni Lola, pupunta ako roon bilang community service. Simula nang matapos ang heart to heart talk namin ni Lola sa gabing iyon ay nakapagdesisyon na ako na sa simula ngayon siya na ang susundin ko, lahat ng gusto niyang gawin ay gagawin ko.
Kaya kami ngayon papuntang Mindanao, gusto kasi ni lola na magturo ako sa mga bata roon. Sabi sa akin ni lola ay kadalasan daw ng mga bata roon ay hindi marunong magsulat at magbasa. Kaya sabi sa akin ni Lola na since summer pa naman at hindi pa nagsisimula ang enrollment ng college ay sumama ako sa kan'ya para na rin tumulong sa mga bata roon.
“Okay ka lang?” natauhan ako nang tanungin sa akin ni Lola iyon.
Kasalukuyan kami ngayon nasa biyahe ng bus. Bus ang huling sasakyan namin papuntang bahay ni Lola. Dalawang oras lang ang biyahe namin sa bus, sa barko lang kami natagalan.
“H-Huh? B-Bakit po?”
“Ba't ka umiiyak? Are you okay?” pag-alalang tanong sa kan'ya ng Lola niya.
Hindi niya napansin na lumuluha na pala ito.
“Naiiyak ho ako sa ganda ng tanawin.” pagsisinungaling ko kay Lola.
Pinahiran ko ang mga luha ko. Hindi ko kasi alam kung bakit nalang ako naiiyak. Tumingin sa akin si Lola saka sinusuri kung nagsasabi ba ako ng totoo saka ngumiti.
“Gan'yan talaga kapag bago ka palang dito, hayaan mo masasanay ka rin diyan.”
Taka akong tumingin sa kan'ya. Alam kong sinasakyan niya lang ako. Pero bakit?
“B-Bakit?” iyon ang lumabas sa bibig ko.
“Anong bakit?”
“Bakit ninyo ako sinasagot ng kasinungalingan?”
“Dahil kasinungalingan din ang sinasabi mo sa akin.” nakangising saad sa akin ni Lola.
I'm not really okay. Bakit ba kasi may mga taong hindi okay at bakit may mga taong okay naman pero mukhang hindi rin okay, Ewan ang gulo lang.
Sooner or later I'll be alone. I mean, I have Charah and Charice but dadating din ang panahon na magkakaroon ang mga ito ng sariling pamilya. I have my lola pero dadating din ang panahon na iiwan niya ako and how about me? Left alone again?
I lost my mom, I lost my dad since that woman moved in. I lost them. I lost the only family I had. How ironic right? I am destined to be alone. I think the most dangerous in life is being left alone.
“Alam mo ba dito ako unang umibig.” panimula ni Lola habang naglalakad kami papunta sa kan'yang maliit na bahay.
Ang bahay nito ay malayo sa gate kaya kinakailangan ang mahabang paglalakad sa kaunting segundo lang naman. Ang itsura ng bahay ay hindi siya pang-mayaman, mas malaki ang bakuran kaysa bahay, mapapansin mo rin mula sa malayo na ito'y gawa lamang sa kahoy at hindi ito kaakit-akit tingnan.
Kung ako ang kapitbahay nila, parang ayaw kong pasukin ang pamamahay na ito, hindi dahil sa mukha itong mahirap kundi dahil sa mukha itong tirahan ng isang mang-kukulam dahil sa napakadilim nito. Nakakatakot nga itong tingnan, paano pa kaya kung pasukin ko pa? Gano'n ang naibibigay na pakiramdam ang bahay na iyon.
BINABASA MO ANG
Summer 2013
RomancePublished date: July 9, 2020 Finished: August 31, 2023 "You deserve a love that always feels like summer." Henziel Celino Gonzaga graduated from high school with no plans for her vacation. So, she went with her grandmother to Mindanao for a Communit...