Kabanata 13

112 79 3
                                    

Umaga palang aligaga na ako sa paglilinis ng bahay. Hindi kasi ako mapakali kapag marumi 'yong paligid ko. Gusto ko lahat maayos at malinis. Kapag kasi malinis ang paligid ko maaliwalas siyang tingnan. Hindi ka papasukan ng kahit anong negative vibes.

Magaan sa pakiramdam kapag malinis 'yong paligid mo. Sa tuwing nililinisan ko ang maliit kong kuwarto ay para na ring nililinisan ko ang sarili ko.

Sa tanghalian nagluto ako ng adobo para sa'min ni lola. Linggo ngayon at mamayang hapon ay magsisimba kami ni Lola. Sa susunod na Linggo ko na malalaman ang magiging desisyon ko, kung mananatili pa ba ako o aalis? I don't know, I just want to forget it for the mean time. I just want to enjoy the remaining time.

Pagkatapos kong kumain hinugasan ko 'to at naglinis ulit. After that nanonood ako ng mga pelikulang tungkol sa pag-ibig. Ito ang pinakaunang panood ko ng mga pelikula. Hindi kasi ako 'yong tipong mahilig manood ng mga pelikula.

Sadyang ngayon ko lang naisipan manood. Habang naghihintay sa pagdating ni Davis. Hindi ko alam kung anong sasabihin niya sa'kin kinakabahan ako. Habang si Lola ay nanonood na ng Tv sa baba.

Nakatulugan ko na ang panonood ng mga pelikula sa phone ko. Nagising ako ng mga bandang alas sais na ng gabi. Napabalikwas ako sa kinahihigaan ko. Nang tingnan ko ang bintana wala pa roon si Davis. Baka mamaya pa 'yon dadating.

Tumunog 'yong phone ko kaya kinakapa kapa ko ito sa higaan ko. Nakabili na ako Ng sim na malakas ang signal. It was Charice nangungulit na naman sa'kin na sumama sa kanila sa Tambayan. Hindi nila alam na nandito ako sa Mindanao ngayon, hindi na ako nakapag-paalam sa kanila dahil biglaan ako nakapagdesisyon.

“Hello?”

“Anong hello ka d'yan! Saan ka na?” sabi sa'kin ni Charice.

Bumuntong hininga ako saka nagsalita.

“I told you hindi ako sasama ngayon di'ba? may importante akong gagawin.”

“Mas importante pa ba 'yan? Kay sa'min?” maktol sa kabilang linya ni Charice.

Yes it is.

Gusto kong sabihin 'yon sa kan'ya pero umurong din bigla ang dila ko. Dahil baka sabihin pa nito na mas binibigyan ko pa ng importansya ang isang tao na bago ko palang kakilala kaysa kanila. At alam ko ang ugali ng isang 'to napaka-tampuhin.

“Basta babawi nalang ako next time okay?” sabi ko sa kan'ya.

Sasabihin ko nalang sa kanila pagbalik ko Cebu na pumunta ako sa Mindanao, minsan lang magka-signal dito at mamaya mawawala na naman.

“Ano ba kasi 'yan?” this time seryoso na ang boses nito.

Pakiramdam ko magagalit na siya sa'kin kahit ano mang oras. Bumuntong hininga ako saka nagpasiyang sumagot.

“Basta sasabihin ko nalang sa'yo kapag magkita na ulit tayo,”

Sorry Charice kailangan kong harapin ito nang mag-isa. I don't want them to know my situation right now. Sobra na ang abala ang ginawa ko sa dalawang ito.

Sorry girls I need to be alone this time. Ilang segundong katahimikan sa kabilang linya nang marinig ko siyang huminga ng malalim.

Summer 2013Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon