Hapon na nang magising ako sa mga bisig ni Davis. Nakahiga ako sa dibdib niya. Kaagad kong tiningnan ang aming kabuuan, tanging bedsheet lamang ang nakabalot sa aming dalawa, nang gumalaw ako ay siyang pag-gising niya naman.
It's all started that summer but now is not just all about that summer, but it's about now and forever. Did it ends in summer? Yes it is, but this is the continuation.
“Morning,” he said in a husky voice.
Mas lalo niya pang diniin ang sarili niya sa'kin kaya hindi kaagad ako nakasagot sa sinabi niya, dahil nag-init ang mga pisngi ko sa hindi malamang kakaibang pakiramdam.
Napakagat labi ako sa pakiramdam na 'yon, para bang ibinabalik ang mga nangyari sa'min kanina.
“M-Morning,” nahihiya kong bati sa kan'ya.
Muli ay humigpit ang kan'yang yakap sa'kin habang nakapikit. Ramdam na ramdam na ramdam ko sa ilalim ng bedsheet na ngayon ay nasa bandang likuran ko na.
I felt the heat and also the sweats are in.. I can't explain why I feel this way gayun naranasan ko naman ito kanina. Nakatingin ako sa dibdib ko na kung saan naroon din ang kamay niya. Nang may naaninag ako na parang may umiilaw sa kamay ko. Kaagad akong bumangon mula sa mga bisig ni Davis dahilan para ito rin ay bumangon.
At gano'n na lang ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha ko nang makita ang isang singsing na suot-suot ko na sa mismong daliri ko. Hindi ako nakapagsalita sa kawalan ng sasabihin, tanging ang pag-iyak lang ang nagawa ko habang tinitingnan ang singsing, at si Davis na ngayon ay emosyonal na nakatingin na rin sa'kin.
Kaagad niya akong niyakap ng mahigpit habang ako ay parang gripo ang luha ko, walang tigil sa pag-buhos.
“Please don't cry, please baby” bulong niya sa'kin saka hinalikan ang buhok ko.
Aaminin ko naging matigasin ang puso ko noong mga panahon na wala pa sa buhay ko si Davis, ngunit noong dumating siya sa buhay ko ay lumambot ang pusong bato kong 'yon.
Natutunan kong magmahal at magtiwala sa salitang pag-ibig, natutunan kong magpatawad at siya lang ang tanging taong nagpakilala sa'kin ng mundo ng pagmamahal. Hindi man kami naging malinaw noon pero naging dahilan naman 'yon kung bakit kami nakarating dito ngayon. Sinubukan kami ng tadhana kung gaano kami katibay sa binigay niyang pagsubok. And it's all worth it to take a risk.
“T-Totoo ba 'to? Hindi ba ako nanaginip?” pagtatanong ko sa kan'ya kahit na luhaan man ay nagawa ko pang magtanong sa kan'ya ng maayos.
“Yes, it is baby. Your gonna be my first baby” emosyonal niyang sabi sa'kin dahilan para mas tumindi ang pag-iyak ko.
Kaagad niyang pinunasan ang mga luha ko at tumingin sa'kin ng may ngiti sa mga labi.
This man is going to be my husband, this man is going to be my life time commitment, we will be live in the same roof, and build our own family pero parang may kulang pa.
Hindi ako one hundred percent na masaya sa natamo para sa aming dalawa ngayon, dahil may parte sa aking sarili na hindi pa buo, parang may parating kulang at 'yon ay ang first love ko.
Ang papa ko.
Mas lalo ako naiiyak sa isipan kong 'yon. Dahil mapasa hanggang ngayon hindi pa rin tumatawag sa'kin ang imbestigador na pinapahanap ko sa papa ko. Hindi ko na alam kung may progress ba sa pag-iimbestiga.
Gusto ko sana na kasama ko siyang maglakad sa altar patungo sa lalaking maging parte ng pang habang buhay ko. Gusto ko rin na maging parte siya ng pinaka-mahalagang araw kong 'yon.
Matagal ko na siyang pinapatawad sa puso ko, pero ayaw lang talaga tanggapin ng sistema ng utak ko, marahil na rin sa nangyari sa amin noong nakaraan. Mas nanaig ang galit ko para sa ama ko, kumpara sa pagmamahal na binigay niya sa'kin noong mga panahon na masaya pa ang pamilya namin.
BINABASA MO ANG
Summer 2013
RomancePublished date: July 9, 2020 Finished: August 31, 2023 "You deserve a love that always feels like summer." Henziel Celino Gonzaga graduated from high school with no plans for her vacation. So, she went with her grandmother to Mindanao for a Communit...