Kabanata 11

116 82 2
                                    

Alas sais na ng hapun nang dumating si Davis dala dala ang multi-cab. His wearing this long sleeve vector red checkered, while white t-shirt was under on his checkered. He was also wearing a black jeans, partnered with rubber shoes while holding a one piece of rose.

Kaagad na pumunta sa gawi namin si Davis. Bitbit ko naman ang pang-himagas para mamayang hapunan sa mga Alvarez.

“Para sa'yo, pasensya ka na ito lang muna ang makakaya ko,” nahihiya niyang sabi sabay bigay sa'kin ng rosas na nakabalot pa sa plastik.

“Ano ka ba! Ayos na 'to sa'kin, hindi naman ako naghahangad ng iba pa,”

Ngumiti lang siya sa akin, ngunit alam na alam kong pinipilit niya lang ngumiti.

“Lola Fe magandang gabi po,” bati ni Davis sabay mano.

Sa halip na sagutin ako ay binalingan n'to ang tingin kay Lola na ngayon ay kakalabas palang ng gate namin.

“Oh, ano pang ginagawa ninyo rito? Pumasok na tayo sa sasakyan at baka mahuli pa tayo sa hapunan. Alam mo naman 'yong mama mo Davis ayaw na ayaw iyong may mahuhuli kaya hali na kayo.”

“Oh, sige po” sagot naman ni Davis.

Inakay ni Davis si Lola papasok sa multi-cab at sumunod narin ako, ngunit kaagad nahawakan ni Davis ang pulupulsuhan ko.

“B-Bakit?”

“Sa harapan ka na,” malamig niyang sabi.

“Ahh hindi sasamahan ko nalang si Lola dito,” hindi ako makatingin ng deretso sa kanyya dahil baka mag-iba pa ang maisasagot ko.

Naramdaman ko naman ang paghugot niya ng malalim na hininga, saka ako pinakawalan at pumunta na sa driver seat at pinaandar ang makina ng sasakyan.

Habang nasa biyahe panay ang sulyap sa akin ni Davis sa isang maliit na salamin sa harapan niya. Minsan din nahuhuli niya akong nakatingin na sa kanya, pero madalas ko siyang nahuhuling nakatingin sa akin.

Maya-maya pa dumating na kami sa bahay nina Davis, nakita ko agad si Mrs. Alvarez nakatayo na sa may gate. Nakasuot ito ng striped na mahabang damit, habang naka-pony tail naman iyong buhok n'to. Sumunod naman ang papa ni Davis na lumabas din.

“Magandang gabi ho,” bati ko sa kanila.

“Magandang gabi rin, hija” ngiti nilang bati rin sa akin.

Ngunit kaagad din 'yon nawala dahil bumaling na sila kay Lola na ngayon ay nakatingin na sa buong paligid.

“Magandang gabi Agnes, may dala kaming pang-himagas para sa hapunan,” sabi naman ni Lola.

“Naku! Nag-abala ka pa talaga, o siya pumasok na muna tayo at baka lumamig na 'yong hapunan,” sabi nito saka pumaunang naglakad papasok ng gate, sumunod naman kaagad si Lola dito.

May kalayuan ang pagitan ng bahay at gate nila kaya kaunting lakad papunta roon. Nasa likuran naman kami ni Davis, kapansin-pansin rin na nag-uusap ang dalawa.

Pupuntahan ko sana si Lola ngunit kaagad naman nakuha ni Davis ang atensyon ko. Tila nakalimutan ko yatang kasama ko ngayon si Davis.

Summer 2013Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon