Kabanata 29

53 13 9
                                    

Wow, english! Mayaman siguro 'to?

“Henziel! Who's that boy? Henziel answer me!”

Kunot noo kong tiningnan ang matcho dancer. Nagtataka ako kung matcho dancer ba 'to o hindi dahil base sa pananalita nito ay parang galing sa mayaman na pamilya. Sa buong buhay ko ngayon lang ako naka-encounter na matcho dancer na englishero.

“Henziel, answer the damn question!”

“Wait lang!” sagot ko sa kan'ya saka binaba ang tawag niya.

“Excuse me? Massage what?” taka kong tanong sa matcho dancer.

“Ah, ano ho sabi ko paki tupi,” nauutal na sabi nito sa'kin saka lumayo na sa'kin.

Nang tumayo ako ay siyang pagbukas ng pinto. Nagulantang kami lahat sa nangyari, pati mga matcho dancer ay nagsilinyahan sa gilid. Lumaki ang mga mata nina Charice at Charah, pati ako nagulat sa biglaang pagsugod ni Davis dito. Mula sa pinto ay matalim niya ako tiningnan saka sinuyod ang buong katawan ko, mula ulo hanggang paa.

Naglakad siya sa'kin mabilis, ang hakbang ang ginawa niya papunta sa'kin saka basta basta na lang ako hinatak.

“This party is over!” sigaw niya saka ako tuluyan ng hinatak palabas.

“What the hell, Henziel!” bulyaw niya sa'kin nang makapasok kami si kotse niya.

“What?”

“Anong nangyari?”

“Wala naman, sinira mo lang naman ang gabi ng bride. Come on, it's just a normal bridal shower,” 

“Hindi 'yan ang sinasabi ko. Did he touch you? Did he tried to kiss you?” ginulo niya ang buhok niya saka tumingin sa'kin.

Napatawa ako sa inasta niya dahil parehas pala kami ng iniisip. Gano'n din ang naiisip ko nang narinig ko mula sa matcho dancer. Hindi ko akalain na parehas pa pala kami ng iniisip. This is miracle.

Tawang tawa ako sa itsura niya ngayon para siyang pinagbagsakan ng langit at saka lupa. Mas lalo pa ako natawa nang mas lumaki ang butas ng ilong niya. Naiiyak na ako sa tawa.

Nag-igting ang kan'yang bagang saka pinaandar ang kotse niya.

“Brace yourself when we get home.” makahulugan niyang sabi sa'kin dahilan para tumigil, at tumahimik ako pero nandoon pa rin 'yong palihim na tawa. Hindi ko kasi mapigilan.

Nang huminto ang sasakyan ay saka ko pa lang nalaman kung saan niya ako dinala. Bumaba siya at tumakbo papasok sa bahay nila, hindi niya man lang ako pinagbuksan. Ngumuso ako saka lumabas sa kotse niya, agad ko siya sinundan sa loob ng bahay nila ngunit ang akala ko na umakyat na siya sa taas pero nadatnan ko siyang kinakausap ang mama niya sa baba.

“Oh, hija it's nice to see you here again.” ika ng mommy ni Davis saka ako ginawaran ng halik sa pisngi.

Ngumiti lang ako sa kan'ya habang si Davis ay walang kibo sa tabi ko, palipat-lipat ang tingin sa'min ni Davis si Mrs. Alvarez.

“May probl---”

“Ma, mamaya mo na kausapin si Henziel at may pag-uusap lang kami sa taas,” sabi niya saka umakyat patungong kuwarto niya.

Summer 2013Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon