Life is short, but it's up to us on how to make it worth living.
After graduating, I was hired by the dream hospital ni Lola na gusto niyang magtrabaho ako, she wanted me to work at that hospital. Dati hinihiling lang ito sa akin ni Lola pero ngayon nagtratrabaho na ako, bilang isang neurosurgeon sa Chuang hospital dito sa Cebu.
Pahirapan din ang training bilang isang surgeon, lalo na't ang trabaho ko ay sa loob ng operating room. Mahaba-haba ang oras at panahon na nagamit ko sa pag-aaral na maging surgeon doctor. Hindi ko tinatanggap ang mga ipinapadala sa akin ni Lola.
Gusto ko galing sa dugo't pawis ang ano mang mararating ko. And it's all worth it. I am happy because I'm able to make my Lola's dreams come true. And she will be the most happiest person I ever seen when she saw my name sa isa sa mga nakapasa sa board exams.
My daily life is as fierce and repetitive as always. No matter where I go, there's always people like him. However, on one hand my desire to get to know that person better is decreasing... while I am left growing more and more bitter.
I wonder if there was ever another time when I worried so much about things just to get to know a person better. He may need the same amount of time. I need to get to know and accept him. No. He may need even more time than I did.
“Ano Ziel game ka ba?” tanong sa'kin ni Charice, nagyaya kasi siyang mag-beach this Sunday.
Nalaman niya kasi na wala talaga akong pasok tuwing linggo kaya ayon. Palagi ko sila tinatanggihan kapag nagyayaya.
“Hindi pa ako sure Ch---” hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang tinakpan niya ang bibig ko.
“Aysus! 'Wag ka nga kj, dae!” bulyaw sa'kin ni Charice. Tiningnan ko siya ng nagtatanong na tingin.
“Huwag mo akong tingnan ng ganiyan! Kunwari ka pang naka-move on na pero siya parin naman!”
Napamaang na lang ako sa sinabi sa'kin ni Charice.
I always say that to her. that I finally move on but this time I can't say it. Parang naging pipi ako nang ilang sandali. She knows me well.
“Ewan ko sa'yo,” sabi ko sa kan'ya saka sinipsip ang milk tea ko.
Nandito kami ngayon sa Kong Tea ni Charice habang naghihintay kay Charah na ngayon ay kasama ang jowa niya. Akalain ninyo 'yon nagtagal pa talaga sila?
“Pero Ziel ni minsan ba na tanong mo sa sarili mo kung kamusta na siya?” tanong sa'kin ni Charice dahilan para tumigil ako sa pagsipsip ng milk tea ko.
Kamusta nga ba siya? Tiyak akong may asawa na 'yon. Siguro? Maaalala na kaya niya ako? Iyan ang mga katanungan ko araw araw sa sarili ko.
I always remember him, every second, every minute, every day. Walang oras na hindi ako nagtanong sa sarili ko tungkol sa kan'ya. Walang tigil ang isip ko sa kakaisip sa kan'ya.
“Nagtanong din naman araw-araw pa nga,” mapait kong sagot sa kan'ya.
“Hindi mo ba siya pupuntahan?” tanong sa'kin ni Charice, dahilan para maging buo ang atensyon ko sa kan'ya. Tumuwid ako ng upo saka bumuntong hininga.
“What's the point?” tanong ko kay Charice.
“Hello? Eh ano pa? Edi para kamustahin?” sabi sa'kin ni Charice habang ngumunguso na akala mo naman kinaganda niya.
BINABASA MO ANG
Summer 2013
RomancePublished date: July 9, 2020 Finished: August 31, 2023 "You deserve a love that always feels like summer." Henziel Celino Gonzaga graduated from high school with no plans for her vacation. So, she went with her grandmother to Mindanao for a Communit...