Kabanata 28

56 15 2
                                    

“Speaking of,” rinig kong sabi ni Charice nang dumating ako sa condo.

Naabutan ko silang dalawa kapuwa nanonood ng movie sa sala habang nakapatay pa ang mga ilaw. Si Charah naman hindi niya pansin ang presensiya ko dahil abala siya sa panonood ng kung anong palabas man 'yon.

“Hey,” pagod kong bati sa kan'ya saka umupo katabi nilang tatlo.

Nasa gitna ako nina Charah at Charice kaya tinapik ko si Charah na ngayon ay gising na gising ang mga mata sa panonood ng palabas.

“Yup?” sabi niya nang hindi ako tinitingnan.

“Musta? Sinagot mo na ba?”

“Oo,”

“Anong sagot mo?”

“Oo, pero hindi pa ngayon.”

“What?!” gulat niyang tanong sa'kin saka ako tinitingnan na nang buo.

“Oo, pero hindi pa ngayon.”

“What?!”

“Oo, pero hindi pa ngayon.”

“What?!”

“Oo pe---”

“Putsa! Isa pa Henziel bibigwasan na kita!” naaasar niyang sabi sa'kin.

“Isang pang what mo at ipapatapon na kita sa North Korea!” natatawa kong sabi sa kan'ya dahilan para umusok ang ilong ni Charah, kaya ngumiti ako sa kan'ya ng pagkaloko loko nang---

“Aray!! Ba't  ka nanakit?!« binatukan kasi ako nitong bruhang 'to.

“Tinanong kita nang maayos, tapos sasagutin mo lang ako ng pabalang? Nasaan ang tino roon?”

“Sinagot kita ng maayos! Ang sabi ko, oo pero hindi pa ngayon. Nasaan ang pabalang doon?” ngiwi kong sagot sa kan'ya saka kumuha ng pop corn.

“'Yong paulit-ulit mong sagot sa'kin ng Oo pero hindi pa ngayon!”

“Oh bakit? Paulit-ulit din kasi ang tanong mo! Sa susunod ibahin mo naman kung gusto mo iba-iba rin ang sagot ko!”

“Whatever! Hindi talaga kita makausap ng matino Henziel Celino Gonzaga!”

“Ba't ba kas---”

“Enough children! Small things lang 'yan pinapalaki ninyo,” saway sa'min ni Charice.

“I need to find my father bago kami ikasal ni Davis,”

“Oh 'di ba sabi mo ayaw mo na 'yon makita? Tapos ngayon ikaw 'tong naghahabol?” tanong sa'kin ni Charice.

“Oo nga, Ziel 'di ba sabi mo pa nga, you'll never forgive him._

“Y-Yes I said that pero noon 'yon, ngayon I need to find him as soon as possible.”

“Para saan naman?” nanuyang tanong sa'kin ni Charah, sasagot na sana ako kung hindi lang dahil kay Charice.

“She needs her father just to prove to him that she's totally doing okay without him, am I right?”

Oo, noong una naisip ko na rin 'yan, pero napapaisip din ako na kung gagawin ko man 'yon ay hindi ko na maibabalik ang dati. Nasaktan na ako at hindi 'yon magbabago at magiging solusyon sa lahat ng 'yon.

Alam mo kasi kapag nakuha mo na lahat ng mga gusto mo, 'yong mga taong lumiit sayo, 'yong mga taong iniwan ka, 'yong mga taong ipinagtabuyan ka. Hindi mo na kinakailangan pang manakit para lang masaktan sila dahil kung ano ka man ngayon ay sapat na para saktan mo sila. 'Cause I do believe that the greatest revenge is to be successful.

Summer 2013Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon