Kahit lulan sa pag-iisip nagawa ko paring bumangon. Hindi man kasing bilis ng ibang kasamahan kung kumilos, hindi man kasing active ng utak at katawan nila akong kumilos ay nagagawa ko naman ang mga dapat kong gawin.
Lumilipas ang buong araw at padilim na naman pero iniisip ko parin ang mga sinabi sa'kin ni Davis tungkol sa buhay niya. Tandang tanda ko pa sa mga mata ni Davis na nagpapahiwatig ng lungkot.
Nagpapahiwatig ng sakit ng nakaraan. Hindi ko mapigilang mangamba sa kung anong magiging resulta ng relasyon namin ni Davis at hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Samantalang ipinaramdam naman sa'kin ni Davis ang pagmamahal na nararapat na para sa'kin.
Pero bakit may kulang? Aaminin ko hindi kasing tulad niya ang nararamdam ko sa kan'ya pero bakit ako nagkakaganito? Anong dahilan ko at humantong ako sa ganito?
Ilang mahal ko sa buhay na ang nawala sa'kin, pinaglalaruan mo yata ang puso ko tadhana.
“Ziel, ayos ka lang?” tanong sa'kin ni Davis dahilan para bumalik ako sa realidad ko.
Kakalabas lang namin ni Davis sa bahay.
Dito ulit siya ngayon nag-hapunan, lagi kasing sinasabi sa kan'ya ni Lola na kapag tapos na siya sa trabaho niya sa bayan dito na siya mag-hapunan. Ang nakuhang trabaho ni Davis ay isang kargado sa palengke, walang kaso para sa'kin iyon as long as legal at kumikita siya ng tama.
“H-Huh?” pagtataka kong tanong kay Davis.
“Ang tanong ko okay ka lang ba? Kanina ka pa ganiyan eh,” sabi sa'kin ni Davis habang hawak ang kamay ko.
“Okay lang naman ako pagod lang siguro,” pagdadahilan ko.
Hindi naman sa ayaw kong malaman niya pero tinatamad kasi akong magkuwento. Masyadong magulo pa ang utak ko. Tinitigan niya akong mabuti para bang inaalam kung nagsasabi ba ako ng totoo. Tinitigan ko rin siya nang seryoso pero agad naman siyang umiwas ng tingin sa'kin.
“Alam kong may bumagabag d'yan sa isip mo, pero sana alam mo ring nandito ako para sa'yo, di'ba? Hindi kita pipiliting magsabi sa'kin sa ngayon pero sana alam mong nandito lang ako, handang makinig.” seryosong sabi sa'kin ni Davis.
Kahit sa ikling oras at panahon na nakakasama at kilala ko si Davis ramdam ko ang loyalty niya sa'kin, ramdam ko ang pagmamahal niya at ang pagiging totoo niya at nagpapasalamat ako doon.
“S-Salamat sa pagintindi. Hayaan mo sasabihin ko sa'yo kapag handa na ako,” nakangiti kong sabi kay Davis.
“Ano ka ba! Ayos lang kung ano man 'yang dinadala mo, makakaya mo 'yan dahil naniniwala ako sa'yo na makakaya mo 'yan kaya kapit lang,” sabi sa'kin ni Davis dahilan para yakapin ko siya.
Hindi ko mapigilang umiyak sa mga sinabi niya sa'kin. Bago sa pandinig ko ang mga salitang 'yon at 'yon ang kailangan ko sa ngayon. Dahil sa ginawa niyang 'yon kahit papaano nabawasan ang bigat na nararamdaman ko ngayon.
Habang nagyayakapan kami ni Davis biglang nahagip ng mga mata ko si Drix sa tapat ng labas ng tarangkahan namin nakatingin sa kung saan. Kumalas ako sa yakapan namin ni Davis.
Balak ko sanang tawagin si Drix nang nasundan ko ang mga tingin niya, at huli na nang malaman kong si Katrina ito, ang isa sa mga nakasama namin sa community service sa pagtuturo ng mga bata sa kabilang bukid.
BINABASA MO ANG
Summer 2013
RomancePublished date: July 9, 2020 Finished: August 31, 2023 "You deserve a love that always feels like summer." Henziel Celino Gonzaga graduated from high school with no plans for her vacation. So, she went with her grandmother to Mindanao for a Communit...