Biyernes ng alas sais na ng umaga nang nagising si Henziel sa isang malakas na katok. Humihikab siyang bumangon. Magulo ang buhok nito. Humihikab parin nang buksan niya ang pinto.
“Miss, baka oras na para mag-balat ng boto?” bungad sa akin ni Davis.
Ang aga namang mambuwesit na 'to!
“Ang aga pa para buwesitin mo ang umaga ko!” sabi ko saka isasara ko na sana ang pinto nang pinigilan niya ito.
“Seryoso ako. Pagod ako at kailangan kong bumawi ng tulog.” humihikab kong sabi sa kan'ya.
“S-Sige, uminom ka muna nitong gatas na dala ko.” sabi niya kaya tinanggap ko naman ito, at isasara ko na ulit ang pintuan nang muli na naman niya itong hinarangan.
“Ano na naman!” inis kong sabi sa kan'ya.
“Inumin mo sa harap ko.” sabi niya.
“Seryoso?”
“Oo” Kaya para tumigil na siya ay ininom ko nalang ang gatas sa harap niya.
“Oh, happy? Puwede na ba ako matulog?” tanong ko sa kan'ya habang binibigay ko sa kan'ya ang baso ng gatas.
Tumango naman siya at humakbang papalapit sa akin. Pinunasan niya ang gilid ng bahagi ng labi ko saka ako hinalikan sa noo.
“Good morning and good night, miss.” saad niya saka sinara nang tuluyan ang pinto.
Habang ako ay tuluyan nang nagising ang mga mata kong mapupungay.
“Bakit niya kailangan gawin iyon? At bakit hinahayaan ko siyang gawin iyon sa'kin?” bulong ko sa sarili.
Kaya sa huli hindi ako nakabalik sa pagtulog dahil sa ginawa ni Davis sa akin. Iyong galawan na iyon ang nakapagbilis nang tibok ng puso ko. At ayaw ko ang gano'ng pakiramdam, ayaw na ayaw.
I hate being like this. Ganito ganito ang naramdaman ko kay mama at papa. At pakiramdam ko kapag pinagpatuloy ko ang ganitong klasing pakiramdam ay baka..baka maiwan akong luhaan sa huli.
Napabuntong hininga nalang siya saka muling sinara ang pintuan. Bumuhos ang mga luha niya sa mga alaalang sinapit ng nakaraan niya. Ang gusto ko ay mamuhay nang simply ngunit ito'y pinagkait sa akin ng tadhana.
Love, has a broad definition. I don't have time to understand about love because I don't want to learn about it. All I want is to live a simple life with my lola. Being part of broken family is one of the reason also for me.
Before, we used to be complete, and happy family but that's all. It will remain in the past, and I can't change that because what's in the past is my future, and future is also my presents. And if I plan to change one of that it will reflect on my future. Instead of changing it, I will deal with it.
Sa tuwing naiimbitahan ako sa mga family gathering nina Charah at Charice, hindi ko mapigilang makaramdam ng inggit sa kanila. Hindi ko mapigilang maghangad na sana may pamilya rin akong nakakasama sa mga lungkot at saya. Suminghap siya at pinunasan ang sariling luha.
Stop that crap Henziel tama na ang drama!
Sambit niya sa sarili habang may mga luha parin sa mga mata. Naligo't kumain siya at lumabas siya ng kan'yang kuwarto.
“Magandang hapon mga bata! Handa na ba kayong matuto?” masiglang bati ko sa mga bata nang makarating na kami sa Sitio Maligaya.
Nasa maliit na kubo lang kami na may pinaglumaan na pisara. May tatlong kubo ang puwede naming magamit sa pagtuturo pero sa araw na ito, dalawang kubo lang ang nagamit namin dahil kaunti lang ang mga estudyante.
BINABASA MO ANG
Summer 2013
RomancePublished date: July 9, 2020 Finished: August 31, 2023 "You deserve a love that always feels like summer." Henziel Celino Gonzaga graduated from high school with no plans for her vacation. So, she went with her grandmother to Mindanao for a Communit...