Kabanata 21

81 50 9
                                    

“Ito na nga papunta na! Ano ba kasing meron?!” inis kong tanong sa kabilang linya.

Kasalukuyan kong kausap ngayon si Charah, habang nasa tainga ko naman ang phone ko habang nagsisintas ng sapatos.

“Basta dalian mo na lang 'wag ka ng maraming tanong. Sure ako magugustuhan mo ang ipapakita ko sa'yo.”

“Siguraduhin mo lang na worth it 'yan kundi ipapadala kita sa North Korea bruha ka!” inis kong sabi habang naglagay ng kaunting perfume sa leeg ko.

“Oo naman worth it na worth it pero sure ako na hindi ka masisiyahan nito. Sige na sige na dalian mo na lang!” sabi niya saka binabaan niya ako ng linya.

Ang gulo niya kausap!

Napagod ako sa kakalinis ng condo namin, kasi naman ang dalawang palakang kasama ko parehong burara, kaya heto ako taga ligpit ng kalat nila. Pagkababa ko sa condo namin pumara ako ng taxi, bubuksan ko na sana ang pinto nang may biglang nauna sa'kin.

Napaikot na lang ako sa mata at napamura na lang ako nang dasmagan ako ng babaeng nagmamadaling sumakay sa taxing pinara ko na dapat ako 'yun ang sasakay.

“Just calm yourself, okay? Davis will be okay? I'm on my way!” rinig kong sabi ng babae na nagmamadaling sumakay sa taxi.

Ako 'yong pumara pero hindi ako 'yong nakasakay? Pusang gala naman ouh! Parang siya lang, minahal ko siya ng higit pa sa inakala ko pero hindi naman ako 'yong nasa puso't isipan niya. Gano'n talaga ang buhay minsan masaya, madalas malungkot.

Pero bigla akong natigilan sa narinig kong sinabi ng babae, Davis?

Biglang kumalabog ang puso ko, hindi malaman kong totoo ba ang narinig ko o sadyang mali lang ang pagkadinig ko? Pero may parte sa'kin na iniisip na baka kapangalan niya lang ito. Namalayan ko na lang ang sarili ko nakasakay na sa taxi, at pinapasundan ko kay Manong driver na sundan ang sinasakyan ng babae.

It was late for me to realize na nasa hospital pala kami. Chuang hospital, nakita ko naman na nagmamadaling bumaba ang babae sa taxi kaya dali dali akong lumabas ng taxi nang---

“Miss, miss, bayad ninyo ho!” tawag sa'kin ni manong driver, kaya nagmamadali akong nagbayad.

Agad kong sinundan papasok ang babae sa hospital. Dire-diretso lang akong sinundan siya hanggang sa--

“Shawn anong nangyari kay Davis?”  rinig ko sa tanong ng babae kay Shawn nasa labas ng ER.

Teka ito iyong pangalan sa headline na nabasa ko, ah?

Biglang umurong ang mga paa ko sa pagsunod ng babae sa narinig kong 'yon.

Si Shawn nandito? Anong ginagawa niya dito? Nagkabalikan na ba sila? 

Hindi ko mawari kung anong gagawin ko sa nakikita ko, kasi ngayon hindi ito ang tamang oras para umeksena ako. Hindi tama na umeksena pa ako sa ganitong pangyayari, dahil hindi naman talaga tama.

Wala lang ako sa kan'ya. I should know my place. He's not into mine 'cause he's into her. I'm not he's lover, I'm just a nobody to him and I should start accepting that I lose him since day one. I'm tired. Love is not for me. Tama na.

I should leave. I don't want to hear any single about him because I might resists him again, even though I know that his not going to be mine.

“What happen Shawn?” nagmamadaling bungad nito kay Shawn.

“Bigla na lang siya nahimatay, tita. H-Hindi ko alam kung bakit...b-basta pagkarating ko sa kuwarto niya nakita ko na lang na---” humagulhol na sabi ni Shawn sa babae.

Summer 2013Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon