Nagising si Henziel sa isang ingay na nagmula sa labas ng kan'yang bintana.
“D-Davis?”
“Morning,” nakangiti niyang bati sa'kin.
“Kamusta?”
Dalawang linggo ang makalipas at ngayon lang ulit kami nagkita simula noong natapos ang hapunan na iyon. Hindi siya sumisipot sa bawat klase ko sa kabilang bayan. Hindi ko alam kung bakit, dahil hindi naman siya nagsasabi sa'kin, sa bagay manliligaw pa palang siya sa'kin.
Napag-alaman ko naman kay Lola na naghahanap ng matinong trabaho sa bayan si Davis at sabi pa sa'kin na ayaw raw itong ipaalam sa'kin ni Davis.
“Sorry,” sabi niya nang napagtanto niyang hindi ako kumikibo saka yumakap sa'kin.
“Okay,”
“Isa lang ang masasabi ko sa'yo hindi ito illegal.” nakangiting sabi sa'kin.
Kunot noo ko siyang tiningnan. Hindi iyon ang gusto kong marinig mula sa kan'ya, ngunit bakit pa ako umaasa na sasabihin niya pa sa'kin ang dahilan eh halatang alam ko naman kung bakit ginawa niya 'yon.
“Sabihin mo na kasi sa'kin 'yung trabaho mo please---” pakiusap ko sa kan'ya, ngunit ang mga ngiti sa kan'yang labi ay unti unting nawawala at napalitan ng seryosong mukha.
“Importante pa ba 'yon sa'yo?” seryosong tanong sa'kin at kumawala sa yakap namin.
“Oo importante 'yon para sa'kin, lahat ng tungkol sa'yo importante sa'kin Davis. Wala akong alam tungkol sa'yo bukod sa pangalan mo lang at pamilya mo.” seryoso kong sagot sa kan'ya.
Umigting ang panga niya sa sinabi ko at tuluyan nang kumawala sa mga bisig ko. Umupo siya sa kama ko habang nakapanghilamos sa mukha ang mga palad niya.
“Bakit? Hindi naman ako nagtanong tungkol sa'yo ah! Quits na tayo kaya ano pa bang pinuputak ng bigbig mo diyan?!” medyo tumaas ang boses niya sa pagkasabi sa'kin.
Nagulat ako sa pagtaas ng boses niya sa'kin. Ito ang kauna unahang beses na napagtaasan niya ako ng boses. Hindi ko alam kung anong naka-pagpagalit sa tanong kong iyon.
Sa bagay may point naman siya doon pero kung may gusto siyang malaman tungkol sa akin puwede naman niya akong tanungin, hindi ko alam kung anong nagpigil sa kan'yang magtanong sa akin. His free to asked me anything.
“Mali bang mas makilala pa kita ng lubos? Mali ba?” mahinahon kong tanong sa kan'ya.
“Ano pa ba ang gusto mong malaman tungkol sa'kin? Hindi pa ba sapat na ipinakilala kita sa buong pamilya ko? Dapat nga magpasalamat ka pa roon dahil ikaw ang kauna unahang babae na dinala at ipinakilala ko sa buong pamilya ko!” mahaba at inis niyang sabi sa'kin dahilan para umusbong galit ko sa kan'ya.
Kanina pa ako nagtitimpi sa kan'ya pero itong sinabi niya sa'kin ang dahilan para sumabog ako, ngunit agaran kong pinigilan ang sarili ko at huminga ng malalim.
“Okay,” sabi ko saka siya nilampasan ngunit hindi paman ako nakarating sa pintuan naramdaman ko ang mga kamay niya sa'king bewang dahilan para uminit ang pisngi ko.
Hindi ko mapigilang magalit sa kan'ya. Anong masama kung gusto ko lang siyang mas makilala pa? Ako sinasabi ko sa kan'ya lahat kahit hindi siya nagtatanong.
![](https://img.wattpad.com/cover/223075314-288-k880795.jpg)
BINABASA MO ANG
Summer 2013
RomancePublished date: July 9, 2020 Finished: August 31, 2023 "You deserve a love that always feels like summer." Henziel Celino Gonzaga graduated from high school with no plans for her vacation. So, she went with her grandmother to Mindanao for a Communit...