Kabanata 22

63 26 4
                                    

“Guys, can somebody tell me what's going on? Cause I don't know what you're talking about.” sabi ko sa kanilang apat.

Nandito kami ngayon sa loob ng kuwarto ni Davis. Kanina pa sila nag-uusap, pati sina Charah at Charice nakakausap nila si miss Gerrund at si Shawn. Sa pagkaalala ko lang hindi naman sila naging close. At saka kailanman hindi ko pinasok sa mga usapan naming tatlo si Shawn.

Paano nila nakilala si Shawn gayong kailanman hindi ko 'to nabanggit sa kanila?

Sabay-sabay silang napatingin sa gawi ko dahilan para mailang ako dahil silang apat mismo ay sabay-sabay naging seryoso ang mga mukha.

“Come here, hija” alok sa'kin ni miss Gerrund, saka hinatak ako paupo sa maliit na sofa.

“Si Davis ay mabait na bata, mabait at matulungin na pamangkin. Noong nalaman ko na pinalayas siya ng kan'yang totoong mga magulang para bumalik sa mga Alvarez ay malaki ang pasasalamat ko. Hindi dahil sa pinalayas siya kundi alam kong mas magiging mabuti ang buhay niya kapag nasa lugar siya ng mga Alvarez. Sino bang tatagal sa parehong may bisyo ang mga magulang, di'ba?” may bahid na galit na sabi nito.

Kulang parin. Hindi pa sapat ang impormasyon na 'yon. Gusto ko pang marinig ang lahat-lahat. Hindi ako sumagot habang si miss Gerrund naman ay nangingilid na ang mga luha.

“Noong nalaman kong nasa mga Alvarez na siya ay nagkaroon ako ng pagkakataong dalawin siya, at doon ko napag-alaman na minsan na rin daw nabihag ang puso niya sa isang bakasyonista. Nakakatuwa nga noong sinabi niya sa akin iyon, dahil hindi naman kami gaano kalapit para pag-sabihan niya tungkol sa isa sa mga pribadong buhay niya. Sinabi niya rin sa akin na gusto niyang mag-abroad, tinulungan ko siya at sinurportahan din siya ng mga Alvarez.”

Hindi ako nagsalita bagkus patuloy parin ako sa pakikinig sa sinasabi ng ali.

“Pumunta ng Saudi si Davis bilang isang taga-luto sa isang restaurant, pero kalaunan umuwi rin siya sa Pilipinas dahil napag-alaman niyang may sakit ang kan'yang nanay-nanayan niya, si Mrs. Alvarez.”

“Hindi rin siya nagtagal dito at bumalik ulit sa Saudi para sa pampapagamot ni Mrs. Alvarez. Naubos kasi ang mga ipon ng mga Alvarez sa pagpapagamot ni Mrs. Alvarez at pagpapa-aral nina Drix at Dwen. Mahal ang matrikula ng dalawa lalo na noong tumuntong ang mga ito ng kolehiyo,”

“Si Drix ay kumuha ng kuryosong abogasiya habang si Dwen naman ay pagdo-doktor naman. Ang papa naman nila ay baldado na kaya sa huli nag-paraya si Davis para mag-abroad, iyon iyong araw na magkikita dapat kayo na hindi siya sumipot.”

Titig na titig ako sa kan'ya habang nagsasalita. Kahit hindi siya nakatingin sa akin ngayon, ramdam ko na totoo ang mga sinasabi niya. Maging sa sakit ay ramdam na ramdam ko siya. I never seen that a relatives are being concern like this, especially if he or she's not part of the problem, I mean not so attached.

But this woman in front of me right now, she's totally different. Luha ang simbolo ng aking pagsisisi, at ang pag-iyak ko ngayon ay simbolo ng pagmamahal ko sa kan'ya, Davis.

“Sa paglipas ng panahon, sa pamamagitan ng pagsusumikap ni Davis ay napagamot at nakaahon kahit papaano ang mga Alvarez. Nang makapagtapos na ang dalawa niyang kapatid sa pag-aaral ay nagkaroon na ng oras di Davis na makapag-aral. Sa awa ng diyos na nakapagtapos siya ng engineer at abogasiya.”

“Akala ko pa noon ay uuwi na siya dito pero nang sabihin niya sa akin na ikakasal na siya ay labis ang tuwa ang aking nadarama dahil sa wakas ay may mag-aalaga narin sa kanya.” patuloy na kuwento ni miss Gerrund sa akin.

Halatang masaya siya sa balitang hatid ni Davis sa kan'ya noon pero halata rin ang lungkot sa boses niya nang sabihin niya iyon.

Panibagong luha na naman ang lumalabas sa aking mga mata nang maalala ko na labis akong nasaktan sa ginawa niyang pang-iiwan sa akin noon, pero ang hindi ko alam ay mas higit siya nasasaktan kaysa akin.

Summer 2013Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon