Kabanata 16

83 55 13
                                    

Tatapusin ko na sana ang diskusyon namin para makapagpahinga na ako, pero hindi ko inaasahan ang muling pagsalita ni Drix sa gitna ng katahimikan naming dalawa.

“Sige nga matanong nga kita, kung patas ang mundo bakit may masasaktan kahit ang gusto lang naman nila ay ang magmahal at mahalin sila pabalik?” hamon na tanong sa akin ni Drix habang naka-cross ang dalawang braso niya.

Ang laking tao pero ang mga laman ng utak niya ay puro pagtatanong lang! Wala na ba siyang ibang gagawin sa buhay kundi ang magtanong ng magtanong? At kung sasagutin naman, walang kamatayang tanong na naman ulit? Nahihibang na siya!

“Kung 'yan ang pagbabasihan mo sa pagiging madaya ng mundo, ngayon pa lang sinasabi ko na sa'yo na itigil mo na 'yan! Wala kang mapapala d'yan sa kakatanong mo! Simple lang buhay, hindi nga lang maging madali.”

“Kahit hindi ako magtanong, may mga bagay na kinakailangan ng mga kasagutan. Mga kasagutan na walang kasiguraduhang mahahanap pa.”

“Eh, ba't ba kasi ka naghahanap ng sagot kung sa una pa lang alam mo na walang kasiguraduhang masagot ang mga tanong mo? Simpling bagay, pinapalaki!”

“Ano?” inis niyang sigaw sa akin.

Ngumiti ako sa kan'ya saka naglakad papuntang likuran niya kung saan siya nakadungaw kanina. Naroon parin sina Luigi at Katrina na tila'y masayang nag-uusap ang dalawa.

“Tingnan mo sila, matanong nga kita anong sa tingin mo ang tingin mo sa kanilang dalawa?”

“Ano?! Nahihibang ka na ba?”

“Hala? Inaano kita diyan? Nagtatanong lang naman,”

“Hindi sila bagay. Sasaktan lang siya niyan,” deretsang sabi niya saka bumaling sa'kin.

Tumingin ako sa mga mata niya at there your go! I see something.

“Paano mo nasasabi na sasaktan talaga siya ni Luigi? When you are barely knew Luigi?”

Lumiit ang mga mata niya habang nakatingin sa'kin saka tiningnan ako mula ulo hanggang paa. What's wrong with him?

“Bakit?”

“Pinagtatanggol mo ba siya dahil kaibigan mo 'yang ugok na 'yan?!”

“Hindi ko masasabing oo pero hindi ko rin puwedeng itanggi,”

“Bad trip ka, ah!”

“Hala siya? Anong naka-bad trip doon?”

“Ano bang alam mo sa nararamdaman ko? Hindi kita kaibigan! Kung makapagsalita ka sa akin parang kilalang kilala mo na ako, ah!”

“Minsan may mga bagay na hindi na kailangan pang sabihin. May mga bagay na tingin mo pa lang, alam mo na kung gaano nasasaktan o nasisiyahan ang isang tao.”

“A-Ano? Anong pinagsasabi mo? Iyan na ba ang napapala mo sa kan'ya?” he asked referring to Davis.

“Nakita kitang nakatingin sa kanilang dalawa kanina at base sa nakikita ko, nasasaktan ka.”

“Nah---”

“Kung gusto mo ang isang tao, sabihin mo na. Kung mahal mo ang isang tao, mahalin mo na. Kung nasasaktan ka na sabihin mo. 'Wag kang duwag na magsabi ng totoo, hindi ka naman mamatay kung magpakatotoo ka sa sarili mo. Paminsan-minsan subukan mo lang.”

Summer 2013Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon